Kaugnay sa ‘Province of China soap’, Mayor Isko may babala sa Shopee, Lazada

Image by Isko Moreno via Facebook
  • Nagbabala si Manila City Mayor Isko Moreno sa mga nagtitinda online ng produkto na may nakasaad sa pakete na probinsya ng China ang Manila
  • Nagpaabiso rin ang alkalde sa mga online store na Shopee at Lazada
  • Gusto ni Moreno na ma-deport na ang dalawang Chinese nationals na diumano’y namamahala sa kompanya ng beauty product

Nagbabala si Manila City Mayor Isko Moreno na maaaring managot sa batas ang mga nagtitinda sa mga online retail platforms na Shopee at Lazada ng “Ashley Shine Keratine Treatment Deep Repair.”

Screenshot mula sa video ni Mayor Isko Moreno

Gayundin ang paabiso ng alkalde sa Shopee at Lazada mismo, “Hopefully may nakikinig sa Lazada o Shopee, kayo diyan sa Lazada o Shopee, baka ginagamit ang inyong online store as a gateway to sell this product. You might be held liable also.”

Matatandaang naging kontrobersyal ang beauty product ng Elegant Fumes Beauty Products Inc. dahil sa ang nakasaad na address ng kompanya sa pakete ng produkto ay sa “1st Floor, 707 Sto. Cristo St., San Nicolas, Manila Province P.R. China”.

Nagpadala na ng request si Moreno sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang business operation ng kompanya at magsampa ng kaukulang criminal complaints sa korporasyon at mga opisyales nito.

“We are looking forward to your prompt response on this matter. We are willing to submit relevant documents in our possession which may aid your office in the investigation,” saad pa nito.

Sinabi rin ng alkalde na nais niyang ma-deport ang mga Chinese nationals na diumano’y namamahala sa kompanya.

Image via Facebook

“Akin pong gagawin ay susulat sa Bureau of Immigration to deport and declare these two Chinese nationals as undesirable aliens.”

Mayor Isko ipinasara ang mga tindahang nagbebenta ng Chinese hair product na may label na “Manila Province of China’

Matatandaang nagalit si Moreno makaraang malaman ang tungkol sa produkto.

“Hindi po natin mapapayagan ito na namang unti-unting pamamaraan ng isang bansa na para bang inaangkin ang malayang bansa o ang Lungsod ng Maynila. To all foreign nationals, please respect the sovereignty of our country,” ang sabi ng alkalde.

Imahe mula sa Facebook ni Mayor Isko Moreno

Loading…