Psychic, nahulaan nga ba ang paparating na pandemya?

  • Nahulaan umano ng isang psychic ang pagdating ng COVID-19 pandemic
  • Bago matapos ang 2019, nanaginip umano siya na nakatakip ang ilong ng mga tao at naglalayuan sa isa’t isa
  • Kakaiba rin umano ang kaniyang napanaginipang tila nagpapahiwatig sa lunas nito

Isa ka rin ba sa mga umasa at naniwala sa mga prediksyon ng mga naiimbitahang manghuhula o feng shui experts sa mga tv shows, na magiging maganda ang pasok ng taong 2020?

Kung susuriin, nagsisimula pa lamang ang 2020 nang bumungad ang iba’t ibang hamon sa Pilipinas at buong mundo, na naranasan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Nariyan ang pagsabog ng Bulkang Taal, isyu ng pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN, at paglaganap ng COVID-19 bilang pandemya, na hanggang ngayon ay nararanasan pa rin.

Ngunit ayon sa psychic at tinatawag na “Nostradamus of social media” na si Jay Costura, bago pa man pumasok ang taong 2020 ay nakita na niya sa panaginip ang mga tao na nagtatakip ng mga ilong at naglalayuan sa isa’t isa, ayon sa panayam sa kaniya ng morning talk show ng GMA Network na “Mars Pa More.”

“Pero ang nangyayari po kasi sa akin is puro warning signs siya. Lagpas na po sa bilang ng daliri ko tsaka sa paa ko ‘yung mga panaginip na nangyayari talaga siya,” ayon sa psychic.

Dagdag pa niya, “Ang nakita ko po sa dream is very clear na ang mga tao po ay nakatakip ang ilong tapos lumalayo sila sa isa’t isa so kinabahan agad ako. Tapos paggising ko, nagtaka ako bakit ang mga tao ay natatakip ng ilong nila tapos nakita ko doon na they are wearing masks.”

Matatandaang pumutok ang pagkakaroon ng virus sa China noong 2019, bago matapos ang taon kaya tinawag itong “Novel Coronavirus” o nCov, na makaraan ay tinawag na Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Public Domain Image

Nagpahiwatig din naman ng tila lunas ang sumunod na panaginip ni Jay.

Saad niya, “Ang sumunod na dream ko kasi is ‘yung nahimatay ako tapos binuhat ako ng malaking kamay na nagliliwanag, tapos pinainom lang niya ako ng clear water. May pinakita kasi sa akin na parang itim na hangin, tapos pinainom ako ng tubig lang na malinaw.”

Heto na kaya ang pahiwatig sa lunas para sa naturang sakit na dulot ng virus?

Loading…