QC gov’t bumili ng mga lupa para sa 1,800 pamilyang informal settlers

Mayor Joy Belmonte| Imahe mula sa Facebook
  • Bumili ng mga properties ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon para sa mga informal settlers
  • Pakikinabangan ito ng mahigit 1,800 pamilya mula sa iba’t-ibang homeowner’s association
  • Isasailalim umano sa socialized housing program ng lungsod ang itatayong kabahayan dito

Aabot sa mahigit 1,800 pamilyang informal settlers ang makikinabang sa mga biniling lupain ng Quezon City government sa Barangay Payatas at Barangay Bagong Silangan.

Pinangunahan ni QC Mayor Joy Belmonte nitong Biyernes ang paglagda sa Deed of Absolute Sale ng pribadong lupain na pag-aari ng Tofemi Realty Corp. and Kanejin Corp. at ibinenta sa pamahalaang lungsod.

Imahe mula sa Thomas Reuters Foundation News

Sa Barangay Bagong Silangan, 7 lote na may kabuuang sukat na 36,651 square meters ang binili ng lungsod sa Area 3, Sitio Veterans na nagkakahalga ng P110-M.

Inasahang makikinabang dito ang 530 pamilya ng informal settlers mula sa iba’t-bang homeowner’s association.

Samantala, sa Barangay Payatas naman, dalawang lote ang nabili na may kabuuang sukat na 76,787 square meters. Babayaran lamang ng pamahalaang lungsod ang 65,025 square meters sa halagang P195-M at ang natitira ay magsisilbing donasyon na lamang ng kumpanya.

Ang nasabing lupa ay para naman sa mahigit 1,200 pamilya ng informal settlers ng lungsod.

QC Mayor Joy Belmonte} Imahe mula sa Facebook

“Ito’y umpisa ng hangarin nating mabigyan ng katiyakan sa paninirahan ang mga informal settlers sa ating siyudad,” ani Mayor Belmonte.

Ayon sa alkalde, binili nila ang mga lupain para bigyan ng ligtas na komunidad ang mga informal settlers lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog at mga tulay.

Isasailalim sa socialized housing program ang mga itatayong kabahayan kung saan ang mga beneficiaries ay maaari itong hulog-hulugan ng maliit na halaga lamang sa loob ng 25 taon.

Loading…