QR code ng Quarantine Pass sa QC kanta ang lumalabas sa halip na datos para sa contact tracing

Public domain image
  • QR code ng quarantine pass sa isang barangay sa Quezon City, kantang “Hello” ni Adele ang lumalabas
  • Ang dapat lumabas sa QR code ay datos ng residente at mapa kung saan ito nakatira
  • Humingi ng paumanhin ang kapitan ng Barangay Batasan Hills dahil sa maling QR code

Mahigpit ulit na ipinatupad ang paggamit ng quarantine pass nang ibalik sa ilalim ng modified enhanced community quarantine ang Metro Manila at apat pang probinsya sa Luzon dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.

Imahe mula sa When in Manila

Ang Barangay Batasan Hills sa Quezon City ay nag-isyu sa mga residente ng bagong quarantine pass na may QR (quick response) code na kapag ini-scan ay makikita ang mga impormasyon tungkol sa residente kung kanino nakapangalan ang quarantine pass.

Sinubukan ng isang residente na i-scan ang QR code ng quarantine pass niya subalit sa halip na personal information at mapa kung saan siya nakatira para sa mas mabilis na contact tracing ay link sa music video ng kantang “Hello” ng international singer na si Adele ang lumabas.

“If you use a QR scanner, hello lang talaga lalabas na text, If phone camera, ayan redirected search to Adele kaya super laugh trip,” natatawang kwento ni Vanezza Aranas.

Imahe mula sa Facebook account ni Vanezza Aranas

Marami ang natawa sa QR code ng quarantine pass ni Vanezza, pero marami rin ang nagpahayag ng pag-aalala dahil hindi iyon nagamit nang wasto.

Ang QR code ay isang feature ng Integrated Barangay Information System (IBIS) na magpapadali sa pagtugon ng mga barangay sa anumang emergency situation katulad ng COVID-19 pandemic.

“IBIS is a mapping system. Whenever you input a name or information of a resident, it will go directly to a mapping system that you need to book in the coordinates kung saan sila talaga nakatira,” sabi ni Bobby Atienza, Project Manager, Integrated Barangay Information System.

Screenshot ng FB post ni Kap. Jojo Abad

Dahil sa palpak sa QR code ng kanilang quarantine pass ay humingi ng paumanhin ang barangay chairman ng Batasan Hills na si Kap. Jojo Abad.  Aniya, dahil sa pagmamadali sa pag-isyu ng bagong quarantine pass ay hindi na nila nasuring mabuti ang QR code.

Magagamit pa rin naman ang mga quarantine pass na may maling QR code dahil hindi na iyon kailangan i-scan. Sapat na raw na mayroon itong 1×1 photo at pangalan ng residente at pirma ni kapitan.

Loading…