Quarantine violator na naghamon sa awtoridad sa social media na hulihin siya ulit, dinampot nga ulit

Screenshot mula sa GMA video
  • Isang lalaki sa Malolos, Bulacan ang humamon sa kapulisan sa pamamagitan ng social media
  • Nauna nang nadampot ang suspek dahil sa paglabag sa quarantine pass system na mahigpit na ipinatutupad sa Bulacan na nasa ilalim ng MECQ
  • Nang ma-release ay hinamon niya ang mga awtoridad na hulihin siya ulit dahil nasa labas na naman siya

Nagsisisi na ngayon sa kanyang nagawa ang isang lalaki sa Bulacan matapos siyang damputin ng pulisya kasunod ng ginawa niyang paghamon sa mga ito, sa pamamagitan ng social media, na muli siyang hulihin.

Screenshot mula sa GMA video

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jacqueline Puapa, ang hepe ng Malolos City Police Station, ay nauna nang nahuli dahil sa quarantine violation ang suspek na kinilang si Ericson Miranda dahil naaktuhan umano itong nasa labas ng kanilang tahanan nang walang quarantine pass.

Mahigipit na ipinatutupad ang quarantine pass system sa buong probinsya ng Bulacan dahil tulad ng Metro Manila ay nasa ilalim din ito ng modified enhanced community quarantine.

Nang ma-release raw si Miranda ay nag-post ito sa social media na tila hinahamon ang pulisya na muli siyang arestuhin dahil nasa labas siya at nagtitinda ng barbecue.

“After na nai-release siya, and then nag-post pa siya sa social media na naghahamon sa kapulisan,” sabi ni Lt. Col. Puapa.

“Hulihin n’yo ulit ako. Nasa labas ako nagtitinda ako ng bbq. Saan na kayo,” post ng suspek na na-screenshot ng pulisya.

May iba pa umanong sinabi si Miranda sa comment section ng post niya na nagbunsod sa muling pagdakip sa kanya. Sasabuyan daw niya ng baga kapag dumating ang mga manghuhuli sa kanya

Screenshot mula sa Jeob TV

Nag-post pa raw ito na hindi totoo ang COVID-19. Gawa-gawa lang daw ito at pinalalala ng gobyerno. Paracetamol lang umano ang gamot sa sakit.

Sa panayam, sinabi ng suspek na nagsisisi na siya sa nagawa.

“Pasensya na po,” sambit ng suspek na nagsabing wala naman talaga siyang masamang intensyon.

Loading…