Raffy Tulfo tinawag na ‘parang matanda’ ng isang babae on air

Image capture of video from Raffy Tulfo in Action via YouTube
  • Raffy Tulfo sinabihang “pangit” at “parang matanda” ng tinawagan niya
  • Biniro kasi ni Raffy ang manonood na wala siyang magawa at naghahanap ng ka-phone pal
  • Nanalo ang kausap ng TV host ng “grand tulong” mula sa IDOL in Action

Hindi agad nakilala ng masuwerteng manonood na ang batikang mamamahayag na si Raffy Tulfo na pala ang tumawag sa kanya kaya’t nasabihan niya ito ng “pangit” at “parang matanda.”

Naganap ang pangyayari sa isang episode ng programa ni Raffy na “IDOL in Action” na napapanood sa TV5 tuwing tanghali. Namimigay kasi ang programa ng P5,000.00 bilang “grand tulong” ngayong panahon ng pandemya.

Taga-Zamboanga ang manonood kaya’t nag-usap sila gamit ang Chavacano. Biniro ni Raffy ang winner at sinabing wala siyang magawa at naghahanap ng ka-phone pal.

Mukhang hindi interesado ang nasa kabilang linya at sinabihan ng “Ayaw ko, pangit ka” sa wikang Chavacano. Natawa naman dito ang host at tinanong kung ang ayaw ba nito sa kanya ay ang kanyang boses.

“Oo, parang matanda na,” ang sagot ng nanalo na lalo pang nagpatawa kay Raffy kaya’t tinanong niya ang edad ng kausap, “Matanda na, ikaw bata pa pala? Bata ka pa? Ilang taon ka na?”

Sinabi ng kausap na kinse anyos pa lamang ito. Sagot naman ng host dito, “Nagbibiro ka lang, ‘wag kang magbiro.”

Pagbibiro pa ni Raffy, niloloko lamang din siya ng kausap dahil ang boses ay para umanong matanda na rin; na lalo pang nagpalakas sa kanilang tawanan.

Image capture of video from Raffy Tulfo in Action via YouTube

Sa huli ay nagpakilala na rin ang mamamahayag at sinabing nanalo ang kausap sa kanilang programa. Sagot naman ng winner, nasa bukid siya at hindi nanonood ng TV sa panahon na iyon.

Labis-labis ang pasasalamat ng winner. Sinabi ni Raffy na sa araw din na ‘yun ay matatanggap ng kausap ang kanyang papremyo.

Panoorin ang buong episode sa ibaba:

Source :

YouTube

Loading…