Red-backed sea eagle namataan sa CCP Complex

  • Naispatan ng isang netizen ang isang uri ng agila na palipad-lipad sa CCP Complex sa Pasay City
  • Ito ay tinatawag na Brahminy Kite o Red-backed sea-eagle
  • Iba-iba naman ang interpretasyon ng mga netizens sa paglitaw nito

Nauuso ngayon ang mga hayop na bigla na lamang naiispatan at nakukuhanang tumatakbo-takbo sa mga hindi inaasahang lugar, kagaya na lamang ng ostrich, baboy, baka, bayawak, at maging kambing. Lahat ito ay nangyari sa kalupaan.

Huwag kang mag-aalala dahil hindi naman pahuhuli sa himpapawid. Namataan ni Donald Pancho at iba pang mga tao ang palipad-lipad na “Brahminy Kite o Red-backed sea-eagle” mula sa Harbor Square ng Cultural Center of the Philippines o CCP Complex noong Hulyo 31, 2020.

Imahe mula sa Facebook account ni Donald Pancho

Ayon kay Pancho, niyaya lamang umano siya ng kaniyang kaibigan na unang nakapansin sa sea eagle na ito at maski raw ang ilang mangingisda sa lugar ay nakaabang din sa paglipad nito upang hagisan ng isda paminsan-minsan. Isda kasi ang pangunahing kinakain nito.

Namangha naman ang netizens sa agilang ito.

“Nakikita ko ‘yan sa CCP at Manila Bay noon,  hinahayaan lang ng mga tao. Sana all yung tipong kasama nating namumuhay ang mga animals maski sa siyudad. Nakakabuwisit lang minsan tinitirador ng mga bata kaya sinasaway ko. Sana dumami pa lahi nila,” turan ng isa.

Haka-haka naman ng isa, “Opinyon ko lang po ‘to ha.Hindi ba po ang mga hayop nakaka-sense sila ng panganib o sakuna na paparating? Kapansin-pansin po na lately kung ano-anong hayop na ang nakikita. Huwag naman po sana.”

“Eagle conveys the powers and messages of the spirit; it is man’s connection to the divine because it flies higher than any other bird. If eagle has appeared, it bestows freedom and courage to look ahead. The eagle is symbolic of the importance of honesty and truthful principles,” interpretasyon naman ng isa.

Public Domain Image

Ayon sa  Birdlife International database, bumababa ang populasyon o bilang ng lahi ng mga Brahminy Kites in sa Timog-Silangang Asya dahil sa pagkawala o pagkasira ng mga likas na habitat o panahanan nito, gayundin ang paghuli sa kanila.

Loading…