Reels: Instagram may bagong short-video feature na pantapat sa Tik Tok

Imahe mula kay @ACThePlug
  • Instagram may pantapat sa Tik Tok
  • Inilunsad ng Facebook-owned Instagram ang Reels, isang bagong feature kung saan maaaring gumawa ng short video
  • Inakusahan ng Tik Tok owner ang Facebook ng plagiarism ngunit itinanggi ito ng isang Instagram officer

Kasabay ng posibleng pag-ban sa US ni President Donald Trump sa TikTok ay naglunsad naman ng isang bagong feature ang Instagram na pantapat sa Chinese video-sharing social networking service.

Imahe mula sa SNS Marketing

Ang Reels ay inilunsad ng Facebook-owned Instagram sa US at sa mahigit 50 iba pang bansa. Sa pamamagitan ng bagong feature na ito ang mga Instagram users ay maaaring gumawa ng 15-second video clip na may special effects pa at sari-saring filters.

Inakusahan naman ng ByteDance, ang Chinese company na may-ari ng Tik Tok, na plagiarism ang ginawa ng Facebook sa paglunsad nito ng Instagram Reels.

Sinagot naman ni Robby Stein, ang Instagram product director, ang akusasyon. Sabi niya, oo nga at pinasikat ng Tik Tok ang short video format, subalit magkaiba naman ang dalawang produkto.

“I think Tik Tok deserves a ton of credit for popularizing formats in this space, and it’s just great work. But at the end of the day, no two products are exactly alike, and ours are not either,” paliwanag si Stein sa isang interview.

Imahe mula sa Hauterfly

Dati na ring naakusahan ng panggagaya ang Facebook nang ilunsad nito ang Instagram Stories na clone daw ng Snapchat.

Nalampasan na ng Instagram Stories ang Snapchat sa dami ng daily users at patuloy pa rin ito sa pamamayagpag. Ang tagumpay ng Stories ang  isa sa maraming dahilan na nagbunsod sa Facebook sa paniwalang magiging matagumpay din ang Reels.

Imahe mula sa Meedia

“Tik Tok did it first, but Instagram can do it better,” ani Stein.

Aniya, ang bahagi ng strategy ng kumpanya ay mag-focus sa mga bagay na mahusay na nagagawa ng Instagram – ang gumawa ng easy-to-use technology para sa sinumang nais gumawa ng video.

Loading…