Regional VPs ng PhilHealth, nag-leave sa kasagsagan ng imbestigasyon sa mga anomalya

  • Naka-official leave ang anim na regional vice presidents ng PhilHealth na isinasangkot sa alegasyon ng anomalya sa loob nito
  • Alinsunod ito sa atas ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na kailangan muna nilang mamahinga habang isinasagawa ang imbestigasyon
  • Idinawit sila ng dating PhilHealth chief na si Roy Ferrer na kabilang umano sila sa “mafia” sa loob ng health insurance

Nag-file ng opisyal na leave ang anim na regional vice presidents ng kontrobersiyal na Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa kabila ng imbestigasyon sa mga anomalyang nangyayari sa loob ng naturang health insurance.

Nagpasa ng liham ang anim nitong Agosto 15, 2020 kay PhilHealth Executive Vice President Arnel De Jesus na maisasakatuparan sa Agosto 17, 2020,  ayon na rin sa pagbabahagi ni Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor.

Public Domain Image

Ang mga regional vice presidents na ito ay sina Paolo Johann Perez ng Region IV-B, Datu Masiding Alonto Jr. ng Region X, Atty. Valerie Anne Hollero ng Region VI, Atty. Khaliquzzman Macabato ng BARMM, Dennis Adre, at William Chavez.

Ayon sa naturang mga opisyal, ang kanilang pagli-leave ay pagsunod na rin sa panawagan ng Department of Justice (DOJ) na pansamantala muna silang mamahinga habang may ongoing congressional inquiries, upang mas masuri pa ng mga third parties ang mga kailangang busisiin kaugnay sa anomalya.

“The ongoing Senate and House of Representatives investigations into graft and corruption at PhilHealth demands full cooperation from all its officers and staff. This is necessary to help determine and assign culpability in the most expeditious manner,” anila. “This will give investigators a free hand in finding out those responsible and finally bring them to account.”

Habang sila ay nasa leave, nagtalaga sila ng kanilang mga officer-in-charge na gaganap sa kanilang mga tungkulin habang wala sila sa kanilang gampanin.

Public Domain Image

Ayon naman sa Malacañang sa pamamagitan ni presidential spokesperson Harry Roque , tama lamang umano ang ginawa ng anim, alinsunod na rin kay Justice Secretary Menardo Guevarra. Mapipigilan umano ang posibleng paglabas ng ebidensiya kung patuloy silang pumapasok sa tanggapan.

Matatandaang sinabi ng dating PhilHealth chief na si Roy Ferrer na kabilang ang anim sa tinatawag na “mafia” sa loob ng health insurance.

Loading…