Renovated Manila underpass, mukhang pang-world class

  • Malapit nang matapos ang renovation ng Manila underpass
  • Komento ng lahat, mukha itong world class
  • Panawagan ng ibang netizens na sana ay mapangalagaan ito

Ibinida ni Manila City Engineer Armand Andres ang inaasahang magiging bagong anyo ng Lagusnilad underpass sa Maynila na sumasailalim sa renovation at konstruksyon.

Makikita sa naturang underpass ang napakalaking pagbabagong-bihis nito; mula sa pagiging dating napakarumi at masikip, ngayon ay makikita ang maaliwalas nitong paligid.

Makikita rito ang mga vertical gardens at murals.  Maglalagay rin sila ng interactive information desk at mga aklatan upang mahikayat ang mga Manilenyo na magbasa.

Imahe mula sa Facebook page ng Manila Public Information Office

Umani naman ito ng iba’t ibang positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ganda ah! Something to look forward to in time for the opening of classes around the area. Congratulations po!” pagbati ng isa.

Turan naman ng isa, “Wow! World class! Hope the Manila government could sustain this. Kudos to Isko Moreno’s leadership! Keep it up Yorme!”

“Wow looking forward na makadaan diyan soon. Sana may mga CCTV para hindi pamahayan ng mga street dwellers, snatchers at holdapers. Maglagay rin sana ng mga guwardiya. Congratulations, Manila! By the way, I’m from QC,” sabi naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Hayan, pinaganda tapos mga walang magawang Pilipino sisirain, dudumihan. Hindi marunong mag-isip. basta masunod lang ang gusto, wawasakin. Kaya yung sinasabi nilang mahal nila ang Pilipinas, kunwari lang. Doon sa pinakamaliit na bagay hindi magawa eh.”

Imahe mula sa Facebook page ng Manila Public Information Office

“Sana kasama sa plano ‘yung baha. Lagi ‘yan lumulubog sa baha tuwing may bagyo o malakas na ulan. Sayang lang yan kapag hindi isinama ang flooding system sa area diyan. Pero kudos sa plano at aksyon. Maganda ‘yan para sa mga taga-Maynila at turista,” opinyon naman ng isa.

Noong mga nakaraang araw, ibinida naman ni Yorme Isko ang ipinatayong coffee shop sa Bonifacio Shrine na magsisilbing atraksyon para sa mga turista at Manilenyong magnanais na uminom ng kape, mag-relax o makipag-bonding.

Isa sa mga programa ni Yorme Isko simula nang siya ay maupong alkalde ang muling maibalik ang ganda at linis ng Maynila bilang kabisera ng Pilipinas.

Loading…