Rep. Paolo Duterte kinumpirma ang mass resignation ng kaniyang staff sa Kamara

Imahe mula sa Daily Tribune
  • Sabay-sabay nagbitiw sa puwesto ang legislative staff ni Rep. Paolo Duterte
  • Kinumpirma ito ng kongresista subalit hindi sinabi kung ano ang naging dahilan
  • Inamin naman ni Rep. Yap na siya ang humiling sa resignation ng chief of staff ni Duterte

Kinumpirma nitong Huwebes ni Davao City Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte na nagbitiw nang sabay-sabay ang kaniyang pitong legislative staff sa Kamara kabilang na ang kaniyang chief of staff na si Atty. Sherwin Castañeda.

Ayon kay Dutete, ang kaniyang malapit na kaibigang si ACT-CIS party-list Representative Eric Yap ang humiling kay Castañeda para mag-resign. Si Yap din kasi umano ang nagrekomenda kay Castañeda noon sa kaniya.

Rep. Paolo Duterte| Imahe mula sa Facebook

Hindi naman sinabi ng nakababatang Duterte ang dahilan kung bakit nagbitiw sa trabaho ang kaniyang House staff. Ipinauubaya na umano niya ito kay Castañeda para linawin ang isyu.

“For the details on why they resigned I think it would be best if Atty. Castañeda should answer that question because for me tapos na ang lahat and we parted ways na maayos,” ani Rep. Duterte.

Samantala, plano ni Rep. Duterte na dalhin ang kaniyang mga pinagkakatiwalaang staff mula sa Davao para punan ang nabakanteng puwesto sa kaniyang opisina.

Imahe via Cong. Eric Go Yap Facebook

“I’m almost done filling up the vacant positions with the help of Congressman Yap’s staff. Hoping for a smooth transition and a more effective office for the constituents of the 1st district of Davao City,” ayon sa mambabatas.

Sa ibang lumabas na ulat, inamin ni Yap na hiniling niya ang resignation ni Castañeda dahil sa ‘mismanagement’ sa opisina ng kongresistang kaibigan. Noon pa umanong Agosto 10 umalis sa puwesto ang abogado at anim na staff.

Siya rin daw mismo ang tumanggap ng resignation letter ng pitong empleyado dahil nagkataong nasa Davao City noon si Duterte para asikasuhin ang kaniyang constituents sa gitna ng umiiral na pandemya.

Loading…