Robin nagpasalamat kay Mariel sa pagiging ‘kapitan ng barko’ sa kanilang ika-10 anibersaryo

Imahe mula sa Instagram | Mariel Rodriguez at Robin Padilla
  • Nagdiwang ng isang dekada bilang mag-asawa sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez kamakailan
  • Sa kaniyang post ay nagpasalamat si Robin kay Mariel sa pagiging kapitan ng kaniyang barko dahil kung wala ang asawa ay matagal na raw siyang abandoned ship
  • Samantala, si Mariel naman ay maikli ngunit makabuluhan ang pagbati sa asawa sa kaniyang Instagram post

Nagpalitan ng matatamis na pagbati ang mag-asawang sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-10 anibersaryo kamakailan.

Imahe mula sa Instagram | Mariel Rodriguez

Sa kaniyang Instagram post ay nagbahagi si Robin ng throwback photo nila ni Mariel. “Ipagpatawad mo minahal kita agad. Ipagpatawad mo mula noon hanggang ngayon na 10 taon na tayo ay patuloy kitang iniibig. Ipagpatawad mo kung hihingin ko sa nag-iisang  Panginoong Maylikha ang marami pang taon sa piling mo para kita’y mahalin at ibigin pa.”

Sa hiwalay na post ay nagpasalamat din si Robin sa asawa. “Thank you, my babe, sa 10 taon na pagiging kapitan ng aking barko. Without your sailing patience, matagal na akong na-abandoned ship,” aniya.

Sinariwa rin ni Robin ang kanilang kasal na ginanap sa India noong Agosto 19, 2010.

“Una tayong ikinasal sa Islam Alhamdulillah. Sumunod sa Born Again at sa Igorot. Kulang pa tayo ng Catholic at civil rights. In shaa Allah,” sabi ni Robin.

Imahe mula sa Instagram | Mariel Rodriguez

“Lahat ng blessing at panalangin ay ating ipinagpapasalamat bilang panlaban natin sa mga malalapit at malalayo sa atin na nais tayong mabigo at magkahiwalay.”

Hiling din ni Robin na pagkalooban pa sila ng lakas at mahabang buhay upang matupad ang kanilang mga plano at pangarap.

Samantala, short but sweet naman ang naging pagbati ni Mariel kay Robin sa isang Instagram post. “A decade with you. Happy anniversary, @robinhoodpadilla. 10 years and a long road ahead. Mahal kita,” saad ni Mariel sa caption.

Happy anniversary, Robin at Mariel!

Loading…