Robin Padilla pamumunuan ang communications panel ng advisory board ng Philippine Army

Imahe mula Facebook
  • Hinirang si Padilla bilang chairperson ng Strategic Communication (StratCom) Committee ng PA
  • Nitong Hulyo lamang pormal na naging kasapi ng PA MSAB si Padilla kasabay ni Mayor Sara
  • Kasabay niyang manunungkulan sa board ang kapwa-aktor na si Matteo Guidicelli

Itinalaga si Robin Padilla na pamunuan ang communications panel ng Multi-Sectoral Advisory Board (MSAB) ng Philippine Army.

Si Padilla ay naging miyembro ng PA MSAB noong Hulyo 8 kasabay ni Davao City Mayor Sara Duterte at pormal na hinirang rin bilang chairperson ng Strategic Communication (StratCom) Committee bago matapos ang buwan.

“The Strategic Committee is one of PA MSAB’s four committees that collectively works towards promoting the continuity and sustainability of the Army Transformation Roadmap and encourage shared responsibility in its success,” ayon sa pahayag ng PA sa Facebook.

Imahe mula sa Facebook – Phil. Army

Ang advisory board nito ay mga indibidwal na nagmula sa gobyerno, non-government, media, business, defense, at youth sectors.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Army spokesman Col. Ramon Zagala, sinabi ng opisyal na kasama nila noon si Padilla sa pagbisita sa Sulu, Basilan at Zamboanga City at siyang nakipag-usap sa mga kabataang Muslim upang kumbinsihin ang mga ito na ang Islam ay isang ‘religion of peace’.

“We see him as a Muslim youth advocate, someone who can influence the Muslim youth… (and) veer them away from terrorism,” ani Zagala.

Imahe mula sa Facebook – Phil. Army
Nagdadalawang-isip daw talaga ang aktor na tanggapin ang posisyon dahil kilala siyang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte at ayaw niyang mabigyan ng kulay pulitika ang kaniyang pagkakahirang sa board.

Kasabay ni Padilla na manunungkulan sa MSAB sina Vice Chairperson for MSAB StratCom, Muntinlupa District Representative Rufino Biazon at mga miyembro na kinabibilangan nina Davao de Oro 2nd District Representative Ruwell Peter Gonzaga; HRS Media and Communications CEO/Managing Director Harold Clavite at ang kapwa-aktor na si Matteo Guidicelli.

Loading…