Rodjun Cruz umaasa sa kita ng asawa? Dianne Medina ipinagtanggol ang aktor

  • Dianne Medina ipinagtanggol si Rodjun Cruz sa ispekulasyong nakadepende sa kanya ang asawa
  • Aniya, nagtatrabaho ang asawa pero hindi lamang niya ipino-post sa social media
  • Seven months nang on the way to motherhood ngayon si Dianne

Ipinagtanggol ni Dianne Medina ang kanyang asawang si Rodjun Cruz hinggil sa ispekulasyon na umaasa na lamang umano ang aktor sa kita ng kanyang misis; panay kasi ang post ni Rodjun ng TikTok videos samantalang si Dianne ay patungkol naman sa work from home set-up ang laman ng posts sa social media.

Komento ng isang netizen sa isang post ni Dianne, “I noticed you’re the only one who keep working and your hubby just doing TikTok everyday.” Sinegundahan pa ito ng isa pang netizen na nagsabing, “Hahaha baka ala ng Project.”

Agad namang dumepensa rito ang TV host at sinabing nagtatrabaho ang kanyang asawa pero hindi lamang niya ito ipino-post sa social media. Sinabi rin niyang bayad ang mga post ng asawa sa TikTok at Instagram.

Aniya, “My husband is working really hard for me and baby Joaquin. Hindi lang siya masyadong ma-post hehe.”

Dagdag pa nito, “May bayad TikTok niya and IG posts and he has a lot of endorsements. Humble lang kasi ang asawa ko.”

Dumepensa rin ang mga tagahanga ng mag-asawa laban sa pahayag ng netizen. Sabi ng isa, “It is actually none of you guys’ business how they manage their finances. She doesn’t need to explain herself anyways. Typical tsismosas.”

Saad pa ng isa, “You don’t have to explain Dianne. It was very nice of you to set the record straight. Pero dun sa nagcomment. That was mean. Ang buhay may asawa. you do what you can do. Di dapat nagsusukatan. Sobrang masipag lang talaga si Diane.”

Ang huling TV project ni Rodjun ay ang One of the Baes na nagtapos noong Enero. Sa kasalukuyan ay napapanood siya sa ibang GMA shows gaya ng All-Out Sundays at Unang Hirit.

Seven months pregnant ngayon si Dianne sa anak nila ng aktor.

Source :

PEP, GMA News

Loading…