Ronnie Liang tumulong sa pamamahagi ng libreng plane tickets sa mga LSI

Screenshot mula sa Facebook ni video ni Ronnie Liang
  • Tumulong sa pamamahagi ng libreng plane ticket sa mga LSI si Ronnie Liang
  • Naghandog din siya ng ilang awitin para sa mga taong naghihintay ng kanilang biyahe sa Rizal Stadium
  • Ramdam niya umano ang hirap kung paano ma-stranded dahil naranasan niya rin ito noon

Tumulong sa pamamahagi ng libreng plane ticket sa mga locally stranded individuals (LSIs) ang singer at ngayon ay Philippine Army Reservist na si Ronnie Liang bilang bahagi ng kaniyang sinumpaang tungkulin sa serbisyo.

Noong nakaraang linggo, dumalaw pa si Ronnie sa Rizal Stadium kung saan hinandugan niya rin ng ilang awitin ang mga LSI n naghihintay ng kanilang biyahe pauwi ng probinsiya.

Screenshot ng Facebook video ni Ronnie Liang

“Donating Plane Tickets to our kababayans who were stranded (LSIs) due to #Covid19,” caption ng singer sa kaniyang ibinahaging video habang kinakausap ang dalawang LSI.

Ayon kay Ronnie, ramdam niya ang hirap kung paano ang ma-stranded.

“Back when I was auditioning pa lang sa showbiz in Manila, naubusan ako ng pamasahe and kulang ‘yung pambayad ko sa bus. Pinababa ako sa Bulacan so I had to continue walking hanggang makauwi sa amin sa Angeles City, Pampanga. I know the feeling na gusto mo na talagang umuwi pero wala kang pamasahe,” kuwento ng singer.

Screenshot ng Facebook video ni Ronnie Liang

“When I saw them, nabasag ang puso ko and it reminded of the day na wala din akong pamasahe. Let us unite and help each other against Covid19. Wala pong tutulong sa kapwa Pilipino kundi kapwa Pilipino din,” dagdag pa nito.

Bilang Army reservist at isang Pilipino, gusto raw niya talagang makatulong sa kaniyang mga kababayan. Iyon naman daw talaga ang kaniyang layunin kaya siya sumali sa Army – ang tumulong at maglingkod sa mga tao.

Hinimok rin ni Ronnie ang publiko na makipagtulungan sa gobyerno at isantabi muna ang anumang hindi pagkakasundo sa larangan ng pulitika.

“Seeing our LSIs like that, it breaks my heart. And we have coronavirus pa to face as a nation. Doble-dobleng pagsubok kaya doble-doble rin ang ating pagtulong,” wika pa niya.

Loading…