Roque tinawagan sina Ayala, Pangilinan upang humingi ng karagdagang linya para sa OHCC

Imahe mula sa Globe, RTVM, PLDT
  • Tinawagan ni Sec. Roque ang mga boss ng Globe at PLDt upang humingi ng tulong
  • Kaagad namang tumugon sina Fernando Zobel de Ayala at Manny V. Pangilinan
  • Humihingi kasi ng karagdagang telephone lines ang Palasyo para sa OHCC

Sa gitna ng ginagawang press briefing nitong Lunes, tinawagan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga boss ng dalawang higanteng telecommunication company upang personal na humingi ng karagdagang linya para sa One Hospital Command Center (OHCC).

Bago tumawag si Roque, tinanong muna nito si Health Undersecretary and Treatment Czar Leopoldo “Bong” Vega, na siyang nangangasiwa sa OHCC, kung kailangan nitong dagdagan ang telephone lines sa command center.

Screenshot mula sa Facebook video ng RTVM

Ito ay matapos makatanggap ng maraming reklamo ang opisyal tungkol sa hirap umanong makontak na numero ng OHCC. Ang command center ay binuo para sa maayos na koordinasyon ng mga ospital hinggil sa mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19.

Kaagad namang nangako si Globe Chief Operating Officer Fernando Zobel de Ayala na tutulungan nito ang OHCC upang mabigyan ng karagdagang linya.

“How many lines would you need? Can we have someone from Globe text you, Mr. Secretary? I’ll have someone contact you right away. It depends on the requirement, but we’ll do our best to assist you,” wika nir Zobel kay Roque habang naka-loudspeaker.

Ganito rin ang naging tugon ni Manny Pangilinan ng PLDT na nagsabing agad niyang tutugunin ang kahilingan ng Palasyo.

OHCC| Imahe mula sa PNA

“We will do that right away,” ani Pangilinan.

Pinasalamatan din ni Roque ang PLDT Chairman sa mga naitulong ng kumpanya nito sa gobyerno sa pagsugpo ng COVID-19.

“More to come Mr. Secretary,” pangako ni MVP.

Duterte may babala sa mga telcos: “Improve your services before December”

Magugunitang binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-5 state of the nation address (SONA) ang Globe at Smart na ayusin nito ang serbisyo bago dumating ang Disyembre dahil kung hindi ay ipapasara niya umano ito o kaya ay i-expropriate sa gobyerno.

Loading…