Russia gustong mag-produce ng COVID-19 vaccine sa Pinas

Photo from Pixabay
  • Russia nakahandang makipag-partner sa Pilipinas para magsagawa ng local production ng COVID-19 vaccine
  • Hinihintay pa nila ang sagot ng Pilipinas sa kanilang offer
  • Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na unang magpaturok sa bakuna

Nakahandang makipagsosyo ang Russia sa Pilipinas para magsagawa ng local production dito ng “safe and effective” na COVID-19 vaccine; bakuna ito na gawa ng Gamelaya National Research Center of Epidemiology and Microbiology, na siya ring may-gawa sa bakuna kontra Ebola at MERS-CoV.

Image via PNA website

Sinabi ni Russian Ambassador Igor Khovaev na naka-develop na ang kanilang bansa ng bakuna at inaasahang makukumpleto na ang lahat ng kakailanganing bureaucratic procedures para makuha ang official administrative approval ngayong Agosto.

Kapag nakumpleto na ito, dagdag niya, ihahanda na ang Russian industrial facilities sa mga kondisyong kakailanganing para simulan ang produksyon.

Handa ang Russia na mag-supply ng bakuna para sa mga Pilipino, saad ng ambassador, at gusto rin nilang mag-invest at makipag-partner para sa local production dito sa Pilipinas, at magsagawa ng clinical trials kung kakailanganin.

Wika nito, “It means that we are ready to combine our efforts (and) that we are ready to make necessary investments together with our Philippine partners and share our technologies.”

Sa ngayon ay hinihintay pa nila ang sagot kung interesado ang Pilipinas sa kanilang offer; na siyang susundan ng negosasyon hanggang sa mapagkasunduan ang mga detalye.

Paniguro ni Khovaev, “Believe me, we don’t like risky undertakings. That’s why I’m saying again that the vaccine is effective and safe. It’s an absolute necessary precondition, which was articulated by Russian President (Vladimir) Putin. We are responsible people.”

Labis namang ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang balita at sinabing sa tingin niya’y libre itong ibibigay ng Russia kaya’t tinatanggap daw niya ang tulong.

Imahe mula sa CPJ

“Maligayang-maligaya ako kasi ang Russia kaibigan natin ito. Wala tayong away sa Russia. Ang ano nila is bibigay sila ng bakuna, wala naman silang sinasabing ‘Bayaran mo.’”

Nakahanda raw ang pangulo na siya ang unang magpaturok sa bakuna para wala nang satsat.

Source :

PNA, GMA News

Loading…