Sagot ni Clint sa netizen na gusto silang magkabalikan ni Catriona, “NO! It’s over”

Image by Clint Bondad via Instagram | Image by Catriona Gray via Instagram
  • Komento ng isang netizen, nananalangin siya na muling magkabalikan sina Clint Bondad at Catriona Gray
  • Sagot ni Clint: “NO! It’s over”
  • Naging matagal din ang relasyong Clint at Catriona

Gusto mo ba silang magkabalikan? Naging matagal din ang naging relasyon nina 2018 Miss Universe Catriona Gray at actor/model Clint Bondad pero ang kanilang pag-iibigan ay natuldukan na. Ngunit sa kabila nito, marami pa rin sa kanilang mga tagahanga ang umaasa na sila’y magkakabalikan.

Kabilang na rito ang isang netizen na nagkomento ng, “I want Catriona for you. I am praying you and her will be together again” sa isang post ni Clint. Pero, sinagot naman ito ng model at sinabing tapos na ang kanilang relasyon.

Ani Clint, “NO! it’s over. Dine fin. And u need a brain upgrade! F***ing talking 2 f***ing long.”

Mayroon namang netizen na sinisisi ang modelo sa paghihiwalay nila, “Insane. No wonder why Queen Catriona broke up with you.”

Dumepensa ang lalaki at sinabing, “I feel sorry 4 you. You look like you lack energy all the time. Ask yourself. Would you pee your pants if I were to appear infront of you?”

Sa kasalukuyan ay magkarelasyon na sina Catriona at ang actor na si Sam Milby. Samantala, nali-link si Clint kay Thai billionaire Jakkaphong Jakrajutatip na kinilala namang “Asian Woman of the Year” ng Content Asia Summit noong 2019.

Matatandaang nagsimula ang opisyal na relasyon nina Catriona at Clint noong 2013 pero una silang nagkakilala sa loob ng elevator sa Baguio City noong 2012.

Image by Catriona Gray via Instagram

Pagkukuwento pa ni Clint kaugnay sa una nilang pagkikita, “I said hi to her. She forgot about me later on, but it was fine. Then, I met her again later on at a casting. That was 2012, and we just dated. I thought she was cute and I loved her accent. She doesn’t have it anymore…nobody knows, but she used to talk very Aussie.”

Pero nagbago aniya ang lahat makaraang makoronahan si Catriona bilang Miss Universe. Dulot ng atensyon at pressure na napunta kay Catriona, nawalan sila ng komunikasyon na humantong sa kanilang paghihiwalay.

Image by Clint Bondad via Instagram

Loading…