Salamat Dra. Vicki Belo! Angeline Quinto proud sa pagiging retokada

Mga imahe mula sa Instagram ni Angeline Quinto
  • Hindi ikinahihiya ni Angeline Quinto ang pagiging retokada
  • Bahagi umano ito ng kaniyang trabaho sa entertainment industry
  • Hindi naman daw niya hiningi o ninakaw ang ipinambayad sa pagpaparetoke

Hindi ikinahihiya ni Angeline Quinto ang pagiging retokada kahit na umano tila napakalaking isyu ito sa ibang tao.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ng Kapamilya singer na proud siya sa pagiging retokada dahil bahagi umano ito ng kaniyang trabaho.

“Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin,” ayon kay Angeline.

Screenshot mula sa Instagram ni Angeline Quinto

“Never q ikinahiya kung ano ang mga pinagawa q. At hanggang ngaun napakalaking issue sa iba. Parte ho ng trabaho un at kung may pangbayad naman bakit hindi,” wika pa nito.

Kabilang umano sa kaniyang pinagdaanan ay ang mga sumusunod: eyelid surgery, arm liposuction, belly liposuction, thermage, breast reduction at glutathione injection. Ang hindi lang daw niya nagawa ay ang nose surgery bagama’t nagpakonsulta na siya noon subalit hindi lang natuloy.

“Kaya nga ho may Dra. Vicki Belo,” patuloy ng singer. “Ikaw naman ang magtatrabaho at gagawa ng paraan para makapagparetoke ka e. Hindi naman hihingin o nanakawin ang ipangbabayad.”

Mas pangit umano, ayon pa sa 30-anyos na singer, na hihingin sa ibang tao ang ipangbabayad para lang makapagpaganda.

Screenshot mula sa Instagram ni Angeline Quinto

Nagpasalamat din si Angeline kay Dra. Vicki Belo. Aniya, “Proud retokada here. Mabuhay po tayong lahat. I love you and Thank you very much Mommy @victoria_belo @belobeauty.”

Tinapos ni Angeline ang kaniyang post sa hashtag na #StopTheHateJustLove bilang paalala sa iba na respetuhin ang kaniyang naging desisyon para magparetoke ng katawan.

Si Angeline ay nakilala sa showbiz matapos manalo noon sa Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar taong 2011. Siya rin ang tinaguriang “Queen of Teleserye Theme Songs”.

Loading…