San Miguel Corp. nag-donate ng P3-M sa Lungsod ng Maynila para sa COVID response

Mga imahe mula sa Facebook
  • Nakatanggap ng donasyon ang Lungsod ng Maynila mula sa San Miguel Corporatoon
  • Ang donasyon ay nagkakahalaga ng P3-M para umano sa paglaban sa COVID-19
  • Nagpasalamat naman si Mayor Isko sa patuloy na pagbuhos ng donasyon mula sa mga pribadong indibidwal at kumpanya

Muling nakatanggap ng donasyon ang Lungsod ng Maynila para sa patuloy na paglaban sa coronavirus. Ang donasyon ay nagmula sa higanteng food and beverage conglomerate na San Miguel Corporation.

Ang pinakahuling donasyon ay nagkakahalaga ng P3-milyon na ibinigay ng kompanya ni Ramon S. Ang (RSA) noong Hulyo 29.

Nagpapasalamat naman si Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso dahil sa patuloy na pagbuhos ng donasyon mula sa mga pribadong indibidwal at kumpanya.

Imahe mula sa Philstar

Matatandaang nakatanggap din ng donasyong P500,000 ang lungsod mula naman sa hindi nagpakilalang private citizen sa kapareho ding araw.

“Kung sino man po kayo, maraming maraming salamat po sa inyong malasakit sa aming mga Batang Maynila. Manila, God First!” ani Mayor Isko.

Lungsod ng Maynila tumanggap ng P500K mula sa isang anonymous donor

Samantala, nilagdaan na rin ng alkalde ang isang ordinansa na naglalaan ng P200-milyon para ipambili ng bakuna kontra COVID-19.

Screenshot mula sa Facebook post ni Mayor Isko

“Nilagdaan po natin ngayon, August 6, ang Ordinance No. 8659 “appropriating P200 million as supplemental budget for fiscal year 2020 for COVID-19 vaccines in the City of Manila,” ani Mayor Isko sa kaniyang Facebook.

Maraming ginagawang hakbang ang lungsod, sa pangunguna ni Mayor Isko, para labanan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus. Kabilang na rito ang pagbili ng mga testing machine para sa tatlong pangunahing ospital doon.

Inilunsad din kamakailan ang libreng drive-thru COVID testing center para sa mga motoristang nais ipasuri ang kanilang sarili nang walang bayad.

Loading…