Sarah Balabagan may ibinulgar tungkol sa relasyon ni Arnold Clavio sa kanilang anak

Mga imahe mula sa Facebook. Instagram
  • Marami pang ibinahagi si Sarah Balabagan tungkol sa relasyon ng kaniyang anak kay Arnold
  • Wala raw direktang komunikasyon ang mag-ama dahil ayaw ibigay ni Arnold ang number nito
  • Naniniwala naman si Sarah na kahit paano ay maayos pa rin ang ugnayan ng dalawa

Hindi pa rin humuhupa ang kontrobersiya tungkol kina Sarah Balabagan at GMA 7 anchor Arnold Clavio sa kabila ng patuloy na pananahimik ng huli kahit pa kaliwa’t-kanang batikos ang natatanggap nito mula sa mga netizens.

Ilang araw matapos ang kaniyang Facebook Live kung saan ay inamin ni Sarah na si Arnold ang tatay ng kaniyang panganay na anak, muling lumabas sa programang ‘Bitag’ ni Ben Tulfo ang dating OFW upang linawin ang iba pang isyu.

Screenshot mula sa Facebook video ni Sarah Balabagan

Tungkol sa relasyon ng kaniyang anak sa GMA broadcaster, inamin ni Sarah na walang direct communication ang mag-ama dahil ayaw daw ibigay ni Arnold ang phone number nito.

“Pero kapag may mga request, kailangan dumaan kami doon sa nanay niya o kaya sa kapatid niya at sila ‘yung nagre-relay kay Arnold. Kung mag-request naman ang anak ko na gusto niyang makita si Arnold, ganun din po,” bahagi ni Sarah.

At ngayon nga daw na 21 anyos na ang kanilang anak, pinetisyon ito ng kaniyang asawa na si Jun para makapunta ng Las Vegas kung saan ito nagtatrabaho ngayon. Ayaw daw talaga ng kanilang anak na si Ara na lumabas siya sa publiko para aminin ang lahat.

Imahe mula sa Instagram accout ni Arnold Clavio

“Dahil po alam n’yo, sir, ‘nung nagkikita pa si Arnold at saka si Ara, sinabihan siya ni Arnold na ang mama mo kapag nagsabi sa public…makukulong ako,” kuwento pa ni Sarah.

Ito raw ang dahilan kung bakit nasa kaniyang ama ang simpatiya ni Ara. At ito rin ang dahilan kung bakit hinintay ni Sarah na umabot sa legal na edad ang kanilang anak bago siya nagsalita.

Inamin din ni Sara na edad 17 pa lamang siya noon nang mabuntis ng broadcaster. Aniya, “Kaya alam ni Arnold na kapag nagreklamo ako o nag-open ako sa media, alam niya may kalalagyan siya.”

Imahe mula sa ABS-CBN

Ganun pa man, naniniwala si Sarah na maayos naman ang relasyon ngayon ng kaniyang anak sa ama nito kahit bihirang-bihira lang magpakita si Arnold.

Itinanggi rin ni Sarah Balabagan na nagpagamit siya sa mga taong nais sirain si Arnold Clavio dahil sa pagiging kritiko nito ng kasalukuyang administrasyon. Ginawa niya umano ang pagsasalita sa publiko para sa kapakanan ng kanilang anak.

“Every time na lang na may issue siya, nakakalkal ang past namin, paano kung wala na ako, sino magde-defend sa anak ko? I need to do this kailangan ko na magsalita once and for all,” giit nito.

Panoorin ang buong panayam ni Sir Ben Tulfo:

Loading…