Sarah Balabagan nag-sorry matapos magkamali sa edad ng anak niya kay Arnold

Screenshot mula sa facebook Live ni Sarah B.
  • Inamin ni Sarah Balabagan na nagkamali siya sa edad ng kaniyang anak kay Arnold
  • Edad 22 anyos na umano ang kaniyang panganay, at hindi 21 lamang
  • Biro pa nito ‘mahina’ siya sa Math, at 23 taon na ang nakalipas ng dating relasyon nila ng GMA media personality

Humingi ng paumanhin si Sarah Balabagan matapos amining nagkamali siya sa edad ng kaniyang anak kay Arnold Clavio na si Ara.

Noong lumabas kasi si Sarah sa programang ‘Bitag’ ni Sir Ben Tulfo, nabanggit nito na 21 anyos ang kaniyang panganay na anak.

Screenshot mula sa Facebook video ni Sarah Balabagan

“Tapos po ngayong ang anak ko is 21 years old na po at nasa Las Vegas, penitisyon siya ng asawa ko, kaya po nasa Las Vegas siya ngayon nagwo-work. Ayaw po niya na lumabas ako…,” kuwento ni Sara nang tanungin kung ano ang estado ng relasyon ni Arnold sa kanilang anak.

Noong Biyernes, itinama ito ng dating OFW at sinabing 22 anyos na talaga ang kaniyang panganay at nagkamali lang siya.

“I just wanna make a correction about my eldest child’s age; she is 22 yo na pala…Nov. 1997 ko po siya pinanganak,” pagtutuwid ni Sarah sa isang Facebook post.

“Nasabi ko po kasi 21 yo. siya Sorry mahina ako Sa math…so, 23 years ago na pala,” dagdag pa nito.

Screenshot mula Facebook ni Sarah B.

Sarah Balabagan may ibinulgar tungkol sa relasyon ni Arnold Clavio sa kanilang anak

Sa kaniyang panayam sa ‘Bitag’, ibinahagi ni Sara na edad 17 pa lamang siya noong mabuntis ng kilalang GMA broadcaster taong 1997. Aniya, “Kaya alam ni Arnold na kapag nagreklamo ako o nag-open ako sa media, alam niya may kalalagyan siya.”

Sa naunang Facebook Live ni Sarah, sinabi nitong 1996 sila nagkaroon ng lihim na relasyon ni Arnold matapos mahulog ang kaniyang loob dito sa kasagsagan ng kaniyang kaso sa United Arab Emirates.

Humingi na rin ng paumanhin si Sara sa misis at pamilya ni Arnold habang may basbas naman umano ng kaniyang asawa ang ginawang pagsasapubliko ng kaniyang lihim na itinago nang mahigit dalawang dekada.

Hanggang sa kasalukuyan, tahimik pa rin ang kampo ni Arnold Clavio kahit kaliwa’t-kanang batikos sa social media ang inaabot nito mula sa mga netizens.

Loading…