Sarah Geronimo naispatan sa bakuran ng GMA-7?

Image by Sarah Geronimo via Facebook
  • ABS-CBN binigyan ng kalayaan ang mga talents na lumipat ng ibang istasyon
  • May netizen na nag-tweet na namataan daw si Sarah Geronimo sa GMA
  • Napapanood pa rin si Sarah sa mga programa ng Kapamilya Channel

Makaraang tuluyan nang hindi na-renew ang prangkisa ng ABS-CBN at magdesisyon ang pamunuan ng network na bibigyan nila ng kalayaan ang mga talents na lumipat ng ibang istasyon, marami ang bulung-bulungan kung sinu-sino ang lilipat sa TV5 o GMA.

Image by Sarah Geronimo via Facebook

Napapabalita ngayon na sa Kapuso Network o GMA-7 lilipat ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, na lalo pang umugong makaraan umanong makita ang sikat na mang-aawit sa bakuran ng istasyon noong Huwebes ng Hapon, August 6.

May nag-tweet sa diumano’y pangyayaring ito na agarang nag-trending dahil sa kasikatan ng celebrity.

Kaya lamang, pinabulaanan ito ng mga taga-GMA dahil wala umano ang mga boss nila sa mga oras na iyon kaya’t malabo na naroon din si Sarah para makipag-negosasyon.

Nasabi naman ni GMA veteran screenwriter Suzette Doctolero sa Twitter na bukas silang tanggapin ang sikat na mang-aawit sa istasyon.

Pahayag niya sa Twitter, “Inuulit ko ulit, welcome na welcome po si Sarah Geronimo sa GMA7.”

Sa kabila ng mga usap-usapang ito ay napapanood pa rin ang mang-aawit sa noontime variety show na ASAP at singing competition na The Voice Kids Philippines. Pareho itong nasusubaybayan ng mga tagahanga sa Kapamilya Channel na available sa Cable TV at digital platforms.

MVP, kinumpirmang nakikipagnegosasyon ang TV5 sa ilang talent at empleyado ng ABS-CBN

Samantala, kinumpirma naman ng pamunuan ng TV5 na nakikipag-usap na sila ngayon sa ilang talents at empleyado ng ABS-CBN para magtrabaho sa kanilang istasyon.

Image by TV5 via Facebook

Pahayag ni TV5 Chairman Manny Pangilinan, “I think there are ongoing conversations with their talents, but it’s not as expansive as one would assume because we are being careful with any contractual arrangements that these talents have with ABS-CBN, and we would like to respect that.”

Nakahanda umano ang Kapatid Network na mag-hire ng mga cameramen, scriptwriters at directors.

Screenshot mula sa TV5 video

Loading…