Selpon na nahulog sa Vizcaya ipinahatid sa may-ari sa Quezon City

Image by Rashcy Mark Hernandez Ilin via Facebook
  • Nalaglag ng isang netizen na taga-Quezon City ang kanyang cellphone sa Nueva Vizcaya noong nagpunta ito sa Isabela
  • Hindi nag-atubili ang nakapulot nito na gawin ang tama
  • Ipinabalik pa niya ang cellphone mula Nueva Vizcaya patungo sa may-ari sa QC

Labis ang pasasalamat ngayon ng isang netizen sa Good Samaritan na nagbalik sa cellphone na nahulog niya sa Nueva Vizcaya dahil gumawa pa ang huli ng paraan para maipadala ito sa kanya sa Balintawak, Quezon City.

Image by Rashcy Mark Hernandez Ilin via Facebook

Pagbabahagi ni Rashcy Mark Hernandez Ilin sa Facebook, “Biruin mo na nalaglag sa lugar na napakalayo, mula pa sa Nueva Vizcaya, tapos pinadala mo po sa kakilala mo na driver na naghahatid ng gulay sa Balintawak.”

Nagpasalamat din si Rashcy sa driver na naging tulay para maibalik sa kanya ang gadget.

“Pagpalain po kayo at nawa, marami pang kagaya n’yong tao. Ingat po kayo. Napakaimportante po sa’kin ng mga laman ng cellphone na’to.”

Pagkukuwento ng netizen, nagpunta umano siya sa lalawigan ng Isabela sa Cagayan Valley at nalaglag ang kanyang cellphone sa Nueva Vizcaya; ngayon ang cellphone ay muling ibinalik sa kanya sa Balintawak.

Agad namang nag-trending ang pasasalamat na ito ng netizen sa social media at marami ang bumilib sa kabutihang ipinakita ng Good Samaritan at driver ng gulay na sa gitna ng pandemya ay hindi nag-atubiling gawin ang tama.

Sabi ng isa, “Buti bumalik, p’re, marami pa talaga tayong mababait sa mundo.”

Image by Rashcy Mark Hernandez Ilin via Facebook

Komento naman ng iba, “Sir, kung sino man po kayo at taga-saan kayo. Maraming maraming salamat sa pagsauli ng cellphone ng kapatid ko. Pagpalain sana kayo at pati ang pamilya ninyo.”

Talaga namang nakabibilib na sa mga mapanghamong panahon kagaya ng nararanasan ng mundo sa kasalukuyan ay hindi pa rin nawawala sa mga Pilipino ang paggawa ng kabutihan sa kapwa. Nawa’y pamarisan po kayo.

Photo from Pixabay
Source :

Facebook

Loading…