Sen. Bong Revilla: ‘I am beating COVID-19’

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Bong Revilla
  • Nagpasalamat si Bong Revilla sa lahat ng nagdasal para sa kaniyang paggaling
  • Naniniwala ang senador na tinatalo niya ang kinatatakutang virus
  • Nagpasalamat din si Bong sa lahat ng nag-asikaso sa kaniya sa ospital

Nagpapasalamat si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa lahat ng patuloy umanong nagdarasal para sa kaniyang patuloy na paggaling; ayon ito sa pinakahuling update ng mambabatas sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Agosto 23.

Pagbabahagi pa ng mambabatas, tuloy pa rin ang kaniyang pag-inom ng gamot at naniniwala siyang tinatalo niya ang coronavirus.

Screenshot mula sa Facebook post ni Sen. Bong Revilla

“Maraming salamat po sa inyong lahat na hindi bumitaw at tuloy-tuloy na nagdasal para sa aking kalusugan,” ani Revilla sa kaniyang Facebook. “I am responding well to the treatment and medication, and with your prayers, I am beating COVID-19.”

Nagpahatid din ng pasasalamat ang actor-politician sa mga medical staff na nag-aasikaso sa kaniya sa pagamutan kung saan siya nagpapagaling.

“Thank you dear God for guiding all health workers and giving them the strength to push on in these difficult times, and blessing them with your healing hands for them to in turn heal us,” wika nito.

“Salamat sa mga doktor at nurse na susi sa aking paggaling at paggaling ng marami nating mga kababayan,” dagdag pa ng senador.

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Bong Revilla

Matatandaan na inanunsiyo ng senador sa social media na nagpositibo siya sa COVID-19 noong Agosto 8. Bigla naman itong isinugod sa ospital makaraan ang ilang araw matapos dapuan ng pneumonia.

Bong Revilla bumubuti na ang kalagayan; Lani muling nanawagan ng dasal para sa mister

Nitong nakaraang Biyernes, ibinahagi rin ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla na bumubuti na ang kalagayan ng kaniyang mister at muling humiling ng dasal sa publiko para sa patuloy na paggaling ni Bong.

“Please continue to pray for him. He still has to continue taking his meds and antibiotics.Thanks to all of his doctors and nurses. Tuloy pa rin ang Laban natin,” apela ni Lani sa social media

Loading…