Sen. Bong Revilla isinugod sa pagamutan dahil sa pneumonia

Imahe mula sa Facebook | Bong Revilla
  • Nasa ospital ngayon si Sen. Bong Revilla matapos na lumabas sa kaniyang x-ray na may pneumonia siya
  • Kamakailan lamang ay inanunsyo niyang positibo siya sa COVID-19
  • Ibinahagi ng senador ang kalagayan sa pamamagitan ng isang Facebook live kung saan humingi siya ng panalangin

Isinugod sa ospital si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. matapos na lumabas sa kaniyang x-ray na may pneumonia siya.

Imahe mula sa Facebook | Bong Revilla

Ibinalita ito ni Bacoor City Mayor Lani Mercado sa isang Facebook post kung saan ipinanalangin niya ang asawa.

“Father God, please help my husband. He is being rushed to the hospital. His latest x-ray shows that he has developed pneumonia and isolation in a regular facility is no longer ideal. Hospital care badly needed. Father, we lift him up to you,” aniya.

Nag-live naman sa Facebook si Sen. Bong at kitang hirap siya dahil sa kakaub0. “Please pray for me, please,” sabi ng senador.

Agosto 9 nang ipaalam ni Sen. Bong sa publiko na nagpositibo siya sa virus matapos magpa-test nang may mag-positibo sa kanilang household. “I was last in the Senate on Monday (August 3) before all of this, and was last out on Tuesday (August 4) nung 40th day ni Daddy,” dagdag niya.

Imahe mula sa Facebook | Bong Revilla

Una nang humingi ng panalangin para sa noo’y asymptomatic na ama ang kaniyang anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

“Mga kalalawigan, nais ko pong hilingin sa inyong lahat na sama-sama po nating ipagdasal ang agarang paggaling at kaligtasan ng aking papa na si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. na nag-positibo sa COVID-19, saad ni Jolo sa post.

“Malaki po ang magagawa ng ating pinagsama-samang panalangin. Ngayon pa lang, taos-pus0 na po kaming nagpapasalamat sa inyong panalangin at pagmamahal.”

Si Sen. Bong na ang ikaapat na senador na nagpositibo sa virus. Una nang nagka-COVID sina Sen. Juan Miguel Zubiri, Sen. Sonny Angara, at Sen. Koko Pimentel.

Loading…