Sen. Grace ‘proud ate’ sa success ng movie ni Lovi Poe sa Netflix

Image by Grace Poe via Instagram
  • Proud ate si Sen. Grace Poe sa tagumpay ng pelikulang “Hindi Tayo Pwede” ni Lovi Poe
  • Sen. Grace: “Proud of the work you do, dear @lovipoe!”
  • Parehong anak ni movie legend Fernando Poe Jr. ang dalawa

Proud si Sen. Grace Poe sa tagumpay na tinatamasa ng pelikulang “Hindi Tayo Pwede” na pinagbidahan ng kanyang kapatid na si Lovi Poe; ang pelikula kasi ay nanguna sa listahan sa pinaka-pinapanood sa streaming service na Netflix dito sa Pilipinas dahil na rin sa kalidad ng palabas at suporta ng mga manonood.

Image by Grace Poe via Instagram

Sa pamamagitan ng Instagram ay nag-post ang Senadora ng larawan nilang magkapatid at maging ang larawan kung saan nakasaad na nanguna ang pelikula sa bansa.

Kapsyon niya rito, “Proud of the work you do, dear @lovipoe! Congratulations on making it to @NetflixPH #1 trending for #HindiTayoPwede movie. #HindiTayoPwedeOnNetflix.”

Ibinahagi naman ni Lovi ang post ng kanyang ate at sinabing “Aaaahh kilig. Love you.”

Magkapatid sa ama sina Sen. Grace at Lovi. Ang nauna ay anak ng movie legend na si Fernando Poe Jr. kay showbiz icon Susan Rocess samantalang ang nahuli ay anak ni Fernando kay commercial model/actress Rowena Moran.

Mayroong international title na “Once Before” ang pelikula na tumatalakay sa kuwento ni Gabby (Lovi) na umibig at nagmahal kay Gabriel (Tony Labrusca); ang huli ay sumakabilang-buhay dahil sa isang car accident.

Matagal nang may pagtingin kay Gabby ang kaibigan niyang si Dennis (Marco Gumabao) at humantong sa pag-iibigan ang kanilang relasyon pero nagpapakita sa dalaga ang multo ng dati niyang fiance.

Image by Grace Poe via Instagram

Naunang napanood ang pelikula sa mga sinehan noong Marso at naging available sa Netflix ngayong buwan lamang.

Pelikulang Pinoy na mababa ang kinita sa takilya nangunguna ngayon sa Netflix

Noong nakaraang buwan ay nanguna sa Netflix Philippines ang pelikula na pinagbidahan ni Paolo Contis na “Through Night and Day” at “Ang Pangarap Kong Holdap.”

Tunay ngang kayang makipagsabayan at talunin ng mga pelikulang Pilipino ang mga palabas mula sa ibang bansa kahit na sa digital platforms kung de-kalidad ito.

Panoorin ang trailer ng pelikula na ini-upload ng VIVA Films sa YouTube.

Loading…