Sen. Lapid isinusulong ang online library ng mga batas para sa mga ordinaryong Pilipino

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Lito Lapid
  • Isinusulong ni Sen. Lito Lapid ang pagkakaroon ng online library o repository ng mga batas ng bansa
  • Ang pinaplanong website ay maglalaman ng mga batas , usaping legal mga kasunduang pinasok ng Pilipinas na nakasulat sa wika o dayalektong maiintindihan ng mga ordinaryong mamamayan
  • Ang mga legal concepts at terminologies ay ipaliliwanag sa paraang medaling maunawaan

Naghain si Senator Lito lapid ng isang panukalang-bataas na naglalayong magkaroon ng isang website na magsisilbing online library o repository ng iba’t ibang batas na ipinatutupad sa bansa na nakasulat sa wikang maiintindihan ng ordinaryong Pilipino.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Lito Lapid

Sa ilalim ng kanyang Senate Bill No. 1751 ay itatatag ang National Legal Knowledge and Assistance System.

Ang pinaplanong online repository ay maglalaman ng mga importanteng treaties at international conventions kung saan kabahagi ang Pilipinas, mga common forms and pleadings at mga legal concepts at terminologies na magkakaroon ng maikling paliwanag sa wika at diyalektong maiintindihan ng mga Pilipino saan mang panig ng bansa o mundo.

“Sabi nga nila, hirap ang taong walang alam sa batas. Kaya para masiguro nating maibibigay ang karapatan ng bawat Pilipino na magkaroon ng sapat na kaalaman kaugnay sa mga batas at iba pang alituntunin na pinaiiral sa ating bansa, dapat na may bukas na panggagalingan ang mga datos na ito,” ani Sen. Lapid.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Lito Lapid

“Gamit ng Information and Communications Technology o ICT, maaabot ang lahat ng ating kababayan saan mang sulok ng bansa o mundo, para may mabilis silang pagkukunan ng mga impormasyon kaugnay sa mga usaping legal,” paliwanag pa ng senador.

Makatutulong umano ang legal online library sa mga mamamayan na may mga katanungan hinggil sa mga isyung may kinalaman sa kasal, mana, titulo ng lupa, pagpaprehistro ng pag-aaari, pagbili ng property, utang, pagsasanla  at marami pang iba.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Lito Lapid

“Sa ngayon wala pang website na nagbibigay ng updated at libreng impormasyon kaugnay sa ating konstitusyon at mga usapang legal. Maging ang simpleng mga termino na maipaliwanag sana sa ating mga kababayan sa salitang naiintindihan nila ay malaking tulong para lahat tayo, kahit hindi abugado ay may alam sa ating mga karapatan at hindi tayo basta maloloko,” aniya.

Sa ilalim ng panukala, ang pagtatagtag at pag-maintain ng legal online system ay nakatoka sa Department of Justice na makikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology.

Loading…