Sen. Migs Zubiri marami pang ibinunyag na katiwalian sa Philhealth

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Zubiri
  • Marami pang ibinulgar na diumano’y katiwalian sa Philhealth si Sen. Migz Zubiri
  • Kabilang na rito ang pag-ipit sa mga IRM ng mga ospital na tumatanggap ng COVID patient
  • Talamak din umano sa mga ospital ang tinatawag na ‘ghost patient’

Ngayong patuloy ang pagdinig sa Senado tungkol sa diumano’y malawakang kurapsyo sa Philhealth, tila hindi nauubos ang mga nabubulgar na katiwaliang kinasasangkutan ng mag opisyal at empleyado mismo ng ahensiya.

Sa ginanap na pagdinig nitong Martes, idinetalye ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang ilan sa anomalyang napag-alaman niya.

Imahe mula sa Practo

Una rito ay ang kabiguan umano ng Philhealth na i-release and Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ng mga pagamutan at health care institutions (HCIs) na tumatanggap ng COVID-patient.

Kabilang na rito ang Ospital ng Maynila na mayroon pang P 19.3-M IRM na nakabinbin sa Philhealth, Western Visayas Medical Center (WVMC) sa Iloilo City na may P 121.4-M na hindi pa nasisingil at ang Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital (CLMMRH) sa Bacolod City na may P41.7-M pang hindi narerelease na IRM.

Ghost patient

Talamak din umano ang tinatawag na ‘ghost patients’ na pinagkakakitaan ng ilang empleyado ng Philhealth.

Halimbawa nito ang kaso ng isang Pamela del Rosario mula sa Region 1 na idineklarang may kanser pati ang kaniyang mga magulang. Nakakuha umano ng P1.7-M mula sa Philhealth ang pamilya Del Rosario subalit kinalaunan ay nadiskubreng walang ganung pasyente.

Imaeh mula sa Philhealth

“This family was able to claim P 1.7M. However, the National Bureau of Investigation later found that Ms. Del Rosario and her family were entirely nonexistent,” ani Zubiri.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakakasuhan ang nasa likod ng nasabing panloloko.

Maliban dito, madalas din umanong gatasan ng mga tiwaling Philhealth officials ang tinatawag na ‘upcasing’ kung saan ang simpleng sakit ay idinedeklarang malala upang makasingil ng mas mataas na halaga.

Problema sa legal sector

Isinisi ng senador ang kawalang aksiyon ng legal sector ng Philhealth na ipatupad ang mga desisyon ng korte sa mga kasong kinasasangkutan ng ilang HCIs.

Imaeh mula sa Facebook ni Sen. Zubiri

“Problem number one, orders from the Legal Sector to ignore court rulings on fraud. Supreme Court and Court of Appeals Final Decisions on suspension of hospitals have remained unimplemented or ignored by PhilHealth,” anang mambabatas.

Kaya raw walang natatakot na mga tiwaling HCIs dahil hindi naman sila nakakasuhan at napaparusahan na dapat sana ay suspendihin ang accreditation.

“Paano natin maaayos ang katiwalian sa PhilHealth kung wala namang kaso na fina-file at wala pong mga taong ikinukulong? Kung ganito ang pangyayari diyan sa loob ng PhilHealth?” tanong pa ni Zubiri.

Loading…