Sen. Villar sa mungkahi ng frontliners na ibalik sa ECQ ang NCR: ‘Pagbutihin nila trabaho nila’

Imahe mula sa ABS-CBN
  • Hindi pabor si Sen. Villar na ibalik sa ECQ ang Metro Manila
  • Ito ay matapos manawagan ang mga frontliners na pagod na pagod na sila
  • Kailangan lang daw na pagbutihin ng mga frontliners ang kanilang trabaho, ayon sa senadora

Tutol si Senador Cynthia Villar sa mungkahi ng medical frontliners na pansamantalang ibalik muna sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila upang bumaba ang kaso ng coronavirus sa rehiyon.

Ginawa ng mga frontliners ang kanilang panawagan dahil pagod na pagod na umano sila at dumarami rin sa kanilang hanay ang nahahawa sa COVID-19.

Ngunit sa panayam ng DWIZ kay Villar nitong Sabado, sinabi ng mambabatas na mahirap umano ang ganitong hakbang dahil hindi puwedeng isara ang ekonomiya. Sa halip daw ay kailangang pag-igihin ng DOH at iba pang ahensiya ang kanilang ginagawa.

Imahe mula sa Senate

“Pwede na ang parang lockdown. Kapag lockdown kasi magsa-suffer ang ekonomiya. I guess we have to live with COVID 19. Kaya nga ako namimigay ng tarp na nagpapaalala sa mga tao ng protocols, namimigay din ng mask. I guess we have to live with this and go on with our lives,” paliwanag ng senadora.

Sa mungkahi naman ng mga pagod na medical health workers para ibalik sa ECQ ang NCR kahit sa loob man lamang ng 15 araw, sagot ni Villar, “Hindi na siguro, pagbutihin nila trabaho nila.Hindi pwedeng isara ang ekonomiya kasi kung di naman mamamatay sa COVID, mamamatay naman sa gutom ang tao.”

Dapat rin daw na dagdagan ang mga kuwartong inilalaan ng mga ospital para sa COVID patient, hindi lang 10 porsiyento, dahil madali itong mapuno.

Medical Frontliners| Imahe mula sa Good News Pilipinas

May panawagan din ang mambabatas sa mga doktor at narses na nagsabing napapagod na sila dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus.

“May times in our lives na ikaw talaga ang mapapagod. Iba-iba naman ang kalamidad. So itong kalamidad na ito ang mapapagod dito ang health frontliners natin. Iba iba yan, but I guess we need to work hard,” ani Villar.

Samantala, tiniyak naman ni Presidential Harry Roque na narinig ng Palasyo ang hinaing ng mga frontliner. Katunayan umano ay ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) na aksiyon kaagad ito sa lalong madaling panahon.

Loading…