Senado may sapat na ebidensiya upang madiin ang mga gumagawa ng anomalya sa PhilHealth

Imahe mula sa UNTV
  • Malakas ang mga ebidensyang hawak ng senado laban sa diumano ay “organized syndicate” sa PhilHealth
  • Sinabi ni Sen. Lacson na bukod sa testimonya ng mga whistleblowers ay may hawak pa silang documentary evidence
  • Tiniyak naman ni Sen. Tito Sotto na irerekomenda nila kay Pang. Duterte ang pagsasampa ng kaso sa mga sangkot sa katiwalian

Malakas ang mga ebidensiyang hawak ng senado na nagpapatunay na may korapsyong nagaganap sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Imahe mula sa UNTV

Ibinunyag ni Senator Panfilo Lacson, Jr. na bukod sa mga testimonya ng mga whistleblowers ay may hawak pa silang documentary evidence.

Sapat umano ang mga ebidensiya upang makapagsampa ng matibay na kaso laban kay PhilHealth president and chief executive officer Ricardo Morales at iba pang opisyal ng ahensya.

“There’s a strong case against those who should be held criminally and administratively liable. That’s clear. We don’t only have testimonies but also documents – at least, what we have on hand,” ani Sen. Lacson.

Sinabi naman ni Senate President Tito Sotto na bibigyan nila si Pangulong Rodrigo Duterte ng kopya ng anumang findings mula sa ginagawang imbestigasyon sa diumano’y anomalyang nangyayari sa PhilHealth.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Matatandaang sinabi ng Pangulo na hindi niya aaalisin sa puwesto si Morales hanggga’t walang katibayan na sangkot ito sa korapsyon.

Ang imbestigasyong ginagawa ng senado ay muling itutuloy sa Martes, August 11.

“After Tuesday, kung ano man ang kahihinatnan ng pagpupulong ng committee of the whole ng Senado, kung ano ang rekomendasyon namin, siguro naman it will have weight in the perception of the Palace. Kukumpletuhin namin by Tuesday and siguro after that, we will give our recommendation. Eh, nanghihingi ng ebidensya eh ‘di hanapin natin ‘yung ebidensya,” aniya.

Si Morales na isang retired Army Brigadier General ay in-appoint ng Pangulo noong 2019 bilang PhilHealth president and CEO upang wakasan ang korapsyon sa ahensya.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Ayon kay Sen. Sotto, makalipas ang isang taon, kahit isa ay wala pang sinisante si Morales dahil daw sa kakulangan ng ebidensya. Sa halip ay binigyan pa niya ng promotion ang mga dati nang kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

“Nakakapagtaka, nakakalungkot kasi pumasok nga siya doon para linisin eh, pero wala pang na-fire, walang nakasuhan. Ang mga kinasuhan, at nakasuhan ng NBI ay pri-nomote,” himutok ng senador.

Sinigurado ni Sen. Sotto irerekomenda nila sa Pangulo ang pagsasampa ng kaso sa mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa katiwalian .

Ayon sa isang whistleblower, aabot sa P15 billion ang naibulsa ng mga tiwaling PhilHealth officials.

Screenshot mula sa Senate of the Philippines video

Samantala, isang witness sa katiwalian sa ahensya ang umatras na magbigay ng testimonya laban sa dati niyang boss. Sinabi ni Etrobal Laborte, dating head executive assistant ni Morales, na nararamdaman niyang nanganganib ang kanyang seguridad.

Source :

Inquirer, OneNews

Loading…