Senador Kiko Pangilinan: “Saan aabot ang 15,000,000,000 piso mo?”

  • Marami na umanong mapupuntahan ang 15 bilyong pisong ibinulsa ng mga kurakot sa Philhealth, ayon kay Senador Kiko Pangilinan
  • Ilan dito ay test kits, ayuda, laptops para sa mga mag-aaral, dagdag-sahod, at PPE
  • Kaugnay ito sa pagbubunyag ng isang whistle blower na may katiwaliang nagaganap sa loob ng Philhealth

Inilista ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang maaaring mapuntahan ng 15 bilyong pisong budget ng PhilHealth na sinasabing naibulsa umano ng mga tiwaling tao na kamakailan lamang ay nasiwalat kaugnay ng pagbubunyag ng isang whistle blower na may katiwaliang nagaganap sa loob ng Philhealth

Makikita sa Facebook post ng senador ang kaniyang pagkadismaya sa naturang ulat, at inisa-isa kung paano maaaring gastusin ang naturang napakalaking halaga, lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.

Imahe mula sa Facebook page ni Sen. Kiko Pangilinan

“HANGGANG SAAN MAKAKARATING ANG P15,000,000,000? P15 billion! P15 billion daw ang halaga ng nakurakot sa PhilHealth. That is equivalent to over 11 million UP test kits! Test kits. Ayuda. PPE’s. Sahod… sa tingin ninyo, hanggang saan pa sana puwede umabot ang P15,000,000,000?” ayon sa caption ng kaniyang post, at tanong din niya sa publiko.

Sa pamamagitan naman ng larawan, sinabi niya na maaari sana itong makabili ng 11 milyong UP test kits (na nagkakahalagang 1, 320 piso ang isa), 5,000 pisong ayuda para sa 3 milyong pamilyang Pilipino, 5. 7 milyong piso para sa dialysis treatments, 1 milyong piraso ng laptops para sa mga mag-aaral bilang paghahanda sa online class, 30,000 pisong sahod sa 500, 000 mga nurses sa isang buwan, at 10 milyong PPE’s para sa mga frontliners.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“And also contact tracing capability that is said to be much needed to fight the pandemic. How very sad that this is happening to our country,” saad ng isa.

Tanong naman ng isa, “Paano kaya nakakatulog ang mga taong kurakot sa panahon ng pandemic na napakaraming gutom! God bless our Inang Bayan!”

Imahe mula sa Rappler

“Mga magnanakaw sa PhilHealth kung pwede lang kapag proven guilty, dapat death penalty, imagine 15 billion? Inagawan nila ng karapatan ang ilan pang mga tao na nangangailangan ng gamutan upang mabuhay!” saad naman ng isa.

Isang galit na netizen naman na hindi nagbibigay ng komento hinggil sa mga isyu sa pamahalaan ang hindi na ito naatim.

“I don’t usually give comment on the country’s problems. But this time, in the midst of pandemic, I cannot help to vent my feelings about this situation. Sobra na ito! The Filipino people do not deserve this kind of injustice. We need justice for those who will be proven corrupt people in government. I have faith in the Senate and on you. Please ensure those involved in corruption in PhilHealth will not go unpunished.”

Nitong Agosto 4, 2020, ibinunyag sa Senate hearing ang nagbitiw sa tungkulin at nagsisilbing whistle blower na si PhilHealth anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith na may anomalyang nangyayari sa loob nito.

Loading…