Senador Ramon “Bong” Revilla, positibo sa COVID-19

  • May nadagdag na naman sa mga senador na tinamaan ng COVID-19
  • Ito ay si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. 
  • Negatibo naman daw ang kaniyang misis na si Lani Mercado, gayundin ang mga anak

Ibinalita ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. na siya ay positibo sa COVID-19.

Ayon sa kaniyang Facebook post nitong Agosto 9, 2020, nalulungkot siya sa balitang siya ay tinamaan ng coronavirus subalit negatibo naman daw ang kaniyang misis na si Lani Mercado, gayundin ang kanilang mga anak.

Imahe mula sa Facebook account ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr.

“Nakakalungkot po na balita- I am COVID-19 positive. Pero huwag po kayo mag-alala, I am okay. Sila Lani at ang mga bata ay okay rin at sa awa ng Diyos, ay negative naman lahat,” paglilinaw ni Revilla. Nakuha niya umano ito dahil sa kaniyang kasambahay at tauhang nagpositibo.

“Kami ay nagpa-test at nag-isolate agad matapos may mag-positive sa aming household at isa sa aking mga tauhan. I was last in the Senate on Monday before all of this, and was last out on Tuesday noong 40th day ni Daddy. Sa payo po ng aking doktor ay itutuloy ko ngayon ang aking quarantine, but will be under observation,” dagdag pa niya.

Humihingi siya ng dasal sa lahat upang malampasan ang panibagong pagsubok na ito.

“Kasama ang inyong mga dasal, at sa grasya ng Panginoon, makakaraos at malalampasan din natin ito.
Ngayon pa lang, salamat po sa inyong mga panalangin. Thank you for your prayers.”

Nagpaabot naman ng kanilang mga mensahe ang mga tagahanga at tagasuportang netizen ng senador.

“I will include you in my prayers Senator Bong, love ka po ni Lord God, hindi ka na Niya pababayaan, ngayon pa lang you are healed, guardian angel mo si Senator Ramon Sr. Pagaling ka po,” sabi ng isa.

Public Domain Image

Turan naman ng isa, “Think positive lang po palagi, Senator Ramon Bong Revilla Jr. at gawin palaging malakas ang katawan ninyo.”

“Get well soon Senator. Pakatatag ka lang at labanan ang sakit na iyan. We love you!” wika naman ng isa.

Pang-apat si Senator Revilla sa mga senador na nagka-COVID-19. Nauna na rito sina Senador Juan Miguel Zubiri, Senador Sonny Angara, at Senador Aquilino “Koko” Pimentel III.

Loading…