Simon Cowell nasaktan matapos sumemplang sakay ng e-bike

Screenshot mula sa Artnewsive video
  • Simon Cowell sumemplang habang sakay ng e-bike
  • Tinetesting ni Simon Cowell ang bagong biling e-bike nang mangyari ang insidente
  • Sumailalim siya sa limang oras na surgery at maayos na ang kalagayan

Isinugod sa pagamutan ang 60-year-old British entertainment mogul na si Simon Cowell matapos nitong maaksidente habang sinusubukan ang bagong electric bike na nabili.

Screenshot mula sa Artnewsive video

Naganap ang insidente sa kanyang Malibu residence sa California noong Sabado ng gabi, August 8.

Sumailalim siya sa limang oras na surgery kung saan kinailangang lagyan siya ng mga bakal sa likod dahil sa tinamong pinsala. Maayos na ang kalagayan niya, ayon sa kanyang spokesperson.

“Simon has broken his back in a number of places in a fall from his bike whilst testing a new electric bike in the courtyard of his home in Malibu with his family. He was taken to the hospital where they operated overnight, he’s under observation and is doing fine,” sabi ng kanyang tagapagsalita.

Dahil sa pangyayari ay hindi siya mapapanood sa unang live telecasts ng “America’s Got Talent” (AGT) sa Martes, August 11, at Miyerkules, August 12.  Ang mga iyon ang unang live performances ng 15th season ng talent search reality show.

Screenshot mula sa Artnewsive video

Si Cowell ang creator ng AGT at nagsilbi siyang isa sa mga judges simula noong 11th season ng show. Ang Syco Entertaiment company na pag-aari niya ay nabigyan kamakailan lang ng ownership ng lahat ng international versions ng “X Factor” at Got Talents” programs.

Sa instagram, nag-post ang isa sa mga AGT judges na si Sofia Vergara ng isang larawan kasama ang dalawa pang hurado na sina Heidi Klum at  Howie Mandel. Makikitang itinuturo nila ang isang bakanteng upuan kung saan dapat ay si Simon Cowell ang nakaupo.

“We miss our boss. Come back fast @simoncowell,” post ni Sofia Vergara.

Imahe mula sa Instagram account ni Sofia Vergara
Source :

YouTube, The Wrap

Loading…