Sotto kinontra si Morales: ‘PhilHealth ‘di kailangan si Superman’

  • Hindi matanggap ni Sotto ang sinabi ni Morales na kailangan si Superman sa Philhealth
  • Kailangan lang umanong tanggalin ang mga corrupt upang malinis ang ahensiya
  • Dati nang sinabi ni Morales na tambak na kaso ang inaayos nila ngayon na sangkot ang P4.5-B

Hindi tinanggap ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang ‘palusot’ ni Philhealth President at CEO Ricardo Morales tungkol sa diumano’y imposibleng malinis kaagad ang katiwalian sa loob ng ahensiya.

Sinabi kasi dati ni Morales sa isang panayam sa radyo na sa dami ng kasong inaasikaso nila, kahit si Superman ay hindi kakayanin ang trabaho. Ayon kay Morales, aabot sa 20,000 kaso ang kasulukuyang nakabinbin na kinasasangkutang ng halos P4.5-B na pondo ng Philhealth.

Imahe mula Facebook -Sen. Tito Sotto

“Nakaipon kami ng mga kaso at pina-process namin ito, pero information system pa rin ang malaking bagay dito. Walang madaling solusyon dito. Kahit si Superman paupuin mo dito, baka hindi niya kaya eh,” ani Morales.

Subalit para kay Senate President Sotto, hindi na kailangan si Superman para masugpo ang kurapsyon sa state-insurer.

“Tanggalin mo lahat ng corrupt, hindi kailangan si Superman!” ani Sotto sa isang tweet.

Morales| Screenshot mula sa YT video ng GMA News

Kung talaga raw seryoso si Morales na linisin ang kaniyang ahensiya, dapat ay hindi niya pinayagang paligiran siya ng mga ‘pating’ sa unang araw pa lamang.

“If you are dead serious about ridding your office of corruption, you should bring the ax on day one,” giit pa ng senador.

Sa ginawang pagdinig sa Senado, inamin ni Morales na mahirap linisin nang agaran ang Philhealth; bagkus, kailangang ‘makakuha muna ng buwelo’ upang matuto ang mga tao doon nang sa gayon ay hindi na sila makagawa pa ng katiwalian.

Loading…