South Korea nagpatupad ng mahigpit na social distancing rule dahil sa lumalalang sitwasyon

Imahe mula sa Yonhap News
  • Nagpatupad ng mahigpit na social distancing rule ang South Korea dahil sa lumalalang sitwasyon ng COVID-19 outbreak
  • Ang social distancing rule na dating ipinaiiral lang sa Seoul at kalapit na lugar ay ipinatutupad na sa buong South Korea
  • Pinapayagan naman ang mga munisipalidad na kaunti lang ang COVID-19 cases na magpatupad ng mas maluwag na social distancing rule

Nagpatupad ang South Korean government ng mas malawakang social distancing rule dahil sa lumalalang sitwasyon ng COVID-19 outbreak sa kanilang bansa. Ang social distancing rule na dating ipinaiial lang sa Seoul at kalapit na lugar ay ipinatutupad na sa buong South Korea.

Imahe mula sa The Korean Herald

“We’re at a crossroads, in a very grave situation, for a nationwide coronavirus transmission. We’ll have to see to it if we fail to curb the spread now,” pahayag ni Health Minister Park Neung-hoo sa isang press briefing noong Sabado, August 22.

Ang nationwide social distancing rule ay sinimulang ipatupad noong Linggo, August 23.

Nilinaw ng health minister na ang mga munisipalidad na may kakaunting kaso ong COVID-19 infections ay maaari namang magpatupad ng maluwag na social distancing rule sa kanilang lugar na nasasakupan. Inihalimbawa niya ang Gangwon and North Gyeongsang Provinces bilang exception sa strict social distancing rule.

Sa ilalim ng heightened social distancing rule, hindi papayagan ang mga indoor meetings na may limampung katao o higit pa, bawal na rin ang outdoor gatherings ng 100 katao o higit pa. Ang mga itinuturing na high-risk facilities gaya ng gym, nightclub, karaoke bar, at private cram schools ay ipinasara na.

Imahe mula sa Yonhap News

Ang mga misa sa simbahan ay ipinagbawal na rin, samantalang ang mga sports events ay pinahihintulutan ngunit walang spectators o manonood na papayagan.

Babawasan na rin ang bilang ng mga estudyanteng papapasukin sa mga paaralan. At kung may maraming COVID-19 infection sa lugar malapit sa paaralan ay online clasess ang ipinag-utos na gawin.

Nakatakda na rin ang health authorities na magdagdag ng mga hospital beds bilang paghahanda sa inaasahang paglobo ng COVID-19 cases.

Imahe mula sa Yonhap News
Source :

Inquirer

Loading…