Steve Dailisan nag-focus sa kanilang online meat shop matapos mawalan ng trabaho bilang piloto

Screenshot mula sa vlog ni Steve Dailisan
  • Pinasok na rin ni Steve Dailisan ang online business lalo pa’t nawalan na ito ng trabaho bilang piloto
  • Si Steve ay dating GMA reporter na kilala sa ginagawa niyang pagpapahaba ng pagbigkas ng pangalan niya
  • “Tasteeeve” ang tawag niya sa negosyo niya na nagbebenta ng mga meat products

Kailan lang ay kabilang si Steve Dailisan sa maraming mamamayan na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic. Isa siya sa mga piloto ng Cebu Pacific na na-lay off dahil sa travel restrictions na nakaapekto sa operasyon ng maraming airlines.

Imahe mula kay Steve Dailisan

Sa kabila nito, taas-noong hinarap ni Steve, na dating reporter ng GMA, ang hamon na dala ng pandemya. Habang wala pang lipad o flight, sinimulan niya ang isang bagong negosyo na patok sa mga mamamayan ngayong may ipinaiiral na community quarantine – ang online selling ng iba-ibang meat products.

Tulad ng nakagawian niyang pagpapahaba ng pagbigkas ng pangalan niya noong reporter pa siya, ganito rin ang ginawa niya sa pangalan ng kanyang negosyo. Tinawag niya ang online business niya na “Tasteeeve” na nagbebenta ng mga German franks, embutido, pork barbecue, at German corned beef.

Sa vlog niya, kung saan ipinakilala niya ang bagong negosyo at Tasteeeve products, sinabi ni Steve Dailisan na may kapartner siya sa online business na sinimulan.

Imahe mula sa Facebook page ng Tasteeeve

“Since wala naman talaga tayong lipad, e, nag-isip tayo ng mga pamamaraan para kahit papaano ay maging busy at may konting pagkakakitaan. Actually, may business partner tayo na kasama at naging katuwang natin sa produktong ito at nakaka-proud dahil itong meat products na ito ay matitikman ng lahat. So, at least may pinagkakaabalahan ngayon at siyempre pasalamatan natin ang lahat ng blessings,” aniya.

Ipinakita ni Steve sa video niya ang ginawang pagde-deliver ng mga inorder sa kanya. Itinampok rin sa vlog niya ang isang piloto na pinasok na rin ang food business habang wala pa silang flight. Sinuportahan din niya ang isang kapwa vlogger.

Screenshot mula sa vlog ni Steve Dailisan

Aniya, ang mga small and medium enterprises na tulad ng “Tasteeeve” ay dapat suportahan ng publiko dahil bukod sa makabubuti na ito sa ekonomiya ng bansa ay natutulungan pa ang kapwa Pilipinong naghahanapbuhay ngayong panahon ng pandemya.

Panooring ang video na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel:

Loading…