Substitution health worker team ipapalit sa mga pagod nang health frontliners sa NCR

Screenshot mula sa video ng MondogsTV
  • Mga health workers sa rehiyon na may kaunting COVID-19 cases ipadadala sa NCR
  • Ang substitution health worker team ay idedeploy upang makapagpahinga ang mga napapagod nang health frontliners sa Metro Manila
  • Ipinag-utos ni Pangulong Duterte na i-deploy ang mga nurses at doctors mula sa hanay ng kasundaluhan at kapulisan

Ang mga health workers sa ibang rehiyon ng bansa kung saan mababa ang bilang ng COVID-19 cases ay ipadadala sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila upang maging kaagapay ng mga napapagod nang health frontliners sa gitna  ng pananalasa ng COVID-19.

Screenshot mula sa video ng MondogsTV

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, nakausap na ng ahensya ang kanilang regional offices upang ipadala sa Meto Manila ang mga health workers mula sa kanilang rehiyon.

“Kailangan natin gumawa ng substitution team para makapagpahinga ang mga kapatid natin na health workers sa NCR. Kausap po namin ang aming regional offices, at may darating na health workers dito sa NCR para tumulong,” ani Usec. Vergeire.

“Mag-aanunsiyo rin po kami ng programa para sa private sector health workers po natin,” dagdag pa ng DOH official.

Ang hakbang ng DOH ay kaugnay ng panawagan ng ilang health organizations na muling  ipatupad ang pinakamahigpit na community quarantine upang masawata ang patuloy na pagdami ng bagong kaso ng COVID-19 infections.

Imahe mula sa PGH Medical Foundation

“Ang gusto po naming iparating na ang health care natin ngayon, lalong lalo na po kaming mga frontliners, ay talagang napapagod na,” sabi ni Philippine College of Physicians vice president Dr. Marircar Limpin sa apela na ibalik sa ECQ ang Metro Manila at iba pang highly-urbanized areas.

Basahin: Apela ng mga health workers na ibalik sa ECQ ang Metro Manila pinaaaksyunan ni Pang. Duterte sa IATF

Kaugnay ng nasabing apela ay muling isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa modified enhanced community quarantine ang NCR, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan mula August 4 hanggang August 18.

Inatasan din ng Pangulo si Defense Secretary Delfin Lorenzana at Interior Secretary Eduardo Año na i-deploy ang mga nurses mula sa hanay ng kasundaluhan at kapulisan.

Screenshot mula sa video ng PCOO
Source :

ABS-CBN, News5

Loading…