‘Tibo’ na nagdiwang ng kaniyang debut, kinaaliwan

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang ‘tibo’ na nagdaos ng kaniyang debut
  • Makikitang nakasuot siya ng isang magandang bestida, at mukhang sa mga larawan ay hindi siya gaanong masaya
  • Iba-iba na ang paraan ng pagdiriwang ng ika-18 taong kaarawan ngayon dahil mas pinipili ng iba na magpaka-praktikal

Ang pagdaraos ng debut o ika-18 taong kaarawan at ay isa sa mga pinakaaabangan ng mga babaeng teenager at ika-21 taong kaarawan naman sa mga lalaki. Noon, talagang may seremonya pa ang pagdaraos nito katulad ng 18 candles at 18 roses. Subalit sa pagdaan ng panahon, naiba na rin ang pagdiriwang nito ayon na rin sa kagustuhan ng debutante, at praktikalidad.

Kaya naman, iyan ang ibinahagi ng netizen na nagngangalang “Ailyn Grace Bautista” kung saan makikita sa kaniyang Facebook post ang pagdaraos ng debut party ng kaniyang kapatid na si “Anamei Bautista” o tinatawag na “Andrei” na makikitang napakaganda sa kaniyang suot na bestida, kahit na ito ay isang ‘tibo.’

Imahe mula sa Facebook account ni Ailyn Bautista

“YUNG TOMBOY KA PERO PINAG-DEBUT KA. Lungkot yan sis? Hapi bortdi sis,” pabirong caption niya sa kaniyang post na umani naman ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa kaniyang mga kaibigan at iba pang netizens.

Hayop kayo dapat hindi ninyo ginawang biro ‘to kasi kapag naalala ko ang mga araw na magkasama tayong dalawa ngiti at luha sa aking mga mata ganoon na pala tayo dati kasayaaah!!” sabi ng isa na tila may nakaraan sa debutante.

Turan naman ng isa, “Ang cute-cute mong tingnan sa dress mo! Happy 18th birthday!”

“Nakakatuwa naman hahaha. Sana naman naglagay ka ng wig o kaya hair extension para girl na girl ang datingan mo,” wika naman ng isa.

Ang tipikal na seremonya nito ay sinisimulan sa pamamagitan ng dasal para sa patuloy na pagbuhos ng biyaya para sa debutante. Inaabangan dito ang kaniyang “Grand Cotillion Dance”, na karaniwang sa saliw ng waltz.

Ang “18 Roses Dance” naman ay ang 18 mahahalagang lalaki sa buhay ng debutante, na maaaring tatay, lolo, kapatid, kaibigan, kaklase, o kasintahan. Isa-isa nilang i-aabot ang mga rosas at isasayaw ang debutante sa loob ng ilang segundo, hanggang sa mabigyang-pagkakataon ang lahat na maisayaw.

Imahe mula sa Facebook account ni Ailyn Bautista

Tumutukoy naman ang “18 Candles” sa 18 mahahalagang babae sa buhay ng debutante, na isa-isang magbibigay ng testimonya ng kanilang relasyon o ugnayan sa kaniya. Matapos ang kaunting talumpati, itutulos nila ang kanila sa isang candle stand.

Matapos ang lahat ng ito, ipipinid ang seremonya sa pamamagitan ng pagtatalumpati ng debutante. Pasasalamatan niya ang kaniyang pamilya, mga kaibigan, at panauhin sa pagiging kabahagi ng kaniyang buhay. Pagkatapos, maaari nang magsayawan at magsalo-salo sa hapag-kainan.

Sa pagdaan ng makabagong panahon kung saan mas pinipili ng iba na maging praktikal, ang iba ay nagdaraos ng kanilang debut party sa pamamagitan ng simpleng salo-salo lamang kasama ang kapamilya, kaanak, o mga kaibigan. Ang iba naman, hinihiling na bigyan na lamang sila ng cash upang magamit nila sa nais nilang paggamitan.

Loading…