‘Tiktoker’ Harry Roque at Karlo Nograles tiniyak na hindi iba-ban ang Tiktok sa bansa

Imahe mula sa Facebook
  • Tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi ipagbabawal ang Tiktok sa bansa
  • Wala umanong makitang dahilan si Pangulong Duterte para i-ban ang Chinese app
  • Ganito rin ang naging opinyon ni Cabinet Secretary Karlo Nograles

Tiniyak ng dalawang opisyal ng Malakanyang, na parehong Tiktok user, na walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang sikat na Chinese app sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang dahilan para i-ban ang Tiktok sa bansa sa kabila  ng naging hakbang ni US President Trump na ipagbabawal na ito sa Amerika dahil sa alegasyon ng pag-eespiya.

Screenshpot mula sa Tiktok

“Sa mga nagsasabi na nanunupil si Presidente ng karapatan ng malayang pananalita, wala pong kahit anong website na bina-ban ang Presidente. Wala pong dahilan para i-ban ang Tiktok sa Pilipinas,” ani Roque.

Si Roque ay kilalang user ng Tiktok at sa katunayan ay mayroon itong mahigit 96,800 na followers. Magugunitang nag-viral ang unang Tiktok dance ni Roque na ibinahagi niya noong Marso.

Samantala, ganito rin ang pagtataya ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na dati ring gumamit ng Tiktok katulad ni Roque.

Screenshot mula sa Tiktok

“Wala naman tayong natatanggap na solid evidence or basis for the banning of TikTok. So, unless we are presented with solid evidence or basis for the banning of that app, it will remain status quo,” paliwanag ni Nograles sa isang online forum.

Inaakusahan ang Tiktok ng pang-eespiya at paniniktik umano sa privacy ng mga users nito. Maliban sa Amerika, ipinagbawal na rin ng India ang naturang app simula pa noong Hulyo.

Loading…