“Tinatanggap ko”: Misteryosong tagalog na tweet ni Conor McGregor may kinalaman kaya kay Pacquiao?

Imahe mula sa UFC/Facebook
  • Nag-tweet ng tagalog ang Irish retired MMA superstar na si Conor McGregor
  • “Tinatanggap ko” ang mistersoyong tweet ni McGregor
  • Marami ang nagbigay ng haka-haka na tungkol iyon sa posibleng pakikipaglaban niya kay Manny Pacquaio

Ang misteryosong Twitter post ng retired Irish mixed martial artist na si Conor McGregor, na isa ring boxer, ay nagbunsod ng maraming haka-haka sa posibilidad na makaharap niya sa ring si pambansang kamao Manny Pacquiao.

Imahe mula sa UFC/Facebook

“Tinatanggap ko,” ang tagalog na tweet ni McGregor na dating lightweight at featherweight champion ng Ultimate Fighting Championship (UFC); ang nangungunang mixed martial arts (MMA) organization sa buong mundo.

Matatandaang nagpahayag noon si McGregor na gusto niyang makalaban si Pacquiao noong Enero ng taong kasalukuyan. Bukas din naman ang fighting senator sa ideya ng boxing match laban sa retired MMA superstar.

Palagi ring sinasabi ni McGregor na gusto niyang magkaroon sila ng rematch ni Floyd Mayweather, Jr. na tumalo sa kanya sa boxing match nila noong 2017.

Ang posibilidad na magharap si Pacquiao at McGregor ay lumaki nang sumapi noong Pebrero ang Pinoy boxing champ sa Paradigm Sports Management, ang management firm na nagha-handle kay McGregor.

Screenshot ng tagalog tweet ni Conor McGregor

Nabanggit din noon ng business manager ni Pacquiao na si Arnold Vegafria na naroroon ang posibilidad ng pakikipagharap sa 31-anyos na si McGregor sa mga huling kabanata ng boxing career ng pambansang kamao.

Si Keith Thurman ang huling nakatunggali ni Pacquiao noong July ng nakaraang taon.

Samantala, may naniniwala na ang misteryosong tweet ni McGregor ay hindi patungkol kay Manny Pacquiao kundi para kay UFC welterweight Khazmat Chimaev na nagtala ng back-to-back na panalo noong nakaraang buwan sa loob lang ng sampung araw.

Hinahamon ng baguhang si Chimaev sa isang labanan si McGregor.

Screenshot ng tweet ni Conor McGregor

Noong July 31, 2020 ay nag-tweet si McGregor ng “I accept,” ilang araw lang matapos magparunggit sa kanya si Chimaev.

Ngunit sinabi ng beternanong MMA journalist na si Ariel Helwani na nakausap niya mismo si McGregor at nagsabi raw ito na ang kanyang tweet ay hindi para kay Chimaev.

Screenshot ng tagalog tweet ni Ariel Helwani
Source :

Twitter, Philstar

Loading…