Tom Rodriguez ipinakita ang suporta sa mga kababayang Waray sa isang rap song

Imahe mula sa Instagram | Tom Rodriguez
  • Nagpakita ng suporta ang aktor na si Tom Rodriguez sa kaniyang mga kababayan sa Catbalogan, Samar sa pamamagitan ng isang rap song
  • Nais niya sanang sumali sa rap contest ng kanilang Manaragat Festival ngunit hindi siya pasok sa criteria nito na nagsasabing kailangang nakatira sa Catbalogan sa nakalipas na anim na buwan ang mga kalahok
  • Ang rap song na siya mismo ang sumulat ay humihimok sa mga Waray na panatilihin ang kanilang katatagan at pananampalataya sa gitna ng pandemya

Wala man siya roon upang ipakita ang kaniyang suporta sa Manaragat Festival ng kaniyang hometown na Catbalogan, Samar ay ipinakita ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez ang kaniyang suporta sa mga kababayan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang rap song.

Imahe mula sa Instagram | Tom Rodriguez

Sa kaniyang Instagram post ay sinabi ni Tom na nais sana niyang magpasa ng opisyal na entry sa rap contest doon ngunit hindi siya pasok sa criteria na nagsasabing dapat ay residente ng Catbalogan sa nakalipas na anim na buwan ang mga sasali.

“Diri La Waray Mahimo is my unofficial entry to @captivatingcatbalogan’s rap contest. Being a Catbaloganon at heart, but not meeting the current resident criteria, I still wanted to extend my support for their socially distanced Manaragat Festival Celebrations,” sabi ni Tom sa caption.

Kuwento ni Tom sa isang panayam sa GMA News, dumalo siya sa online workshop na ginawa ni Gloc-9 upang mas paghusayin pa ang kaniyang talento.

Imahe mula sa Instagram | Tom Rodriguez

Ibinahagi naman ng Captivating Catbalogan ang unofficial entry ni Tom na siya mismo ang sumulat.

“His song talks about resilience in today’s pandemic and encourages everyone to continue to pray, to stay strong and healthy, to follow the law, and to never cease hoping and loving not because we have to but we ‘Warays’ will find ways,” pagbabahagi nila.

Nagpasalamat din sila sa aktor sa suportang kaniyang ipinakita para sa kaniyang mga kababayan.

Bukod sa suporta sa mga kapwa Waray ay tumulong din si Tom sa mga driver, vendor, at construction worker na naapektuhan ng pandemya sa pamamagitan ng kaniyang “Guhit Pantawid: Portraits for a Cause” kung saan gumuhit siya kapalit ng mga donasyon para sa mga benepisyaryo.

Pakinggan ang rap song ni Tom dito:

Loading…