Top couple na JaMill ayaw malunod sa kasikatan, power at pera

Image by JaMill via Instagram
  • Online love team na JaMill ayaw malunod sa kasikatan, kapangyarihan at pera
  • Anila, maaaring ito kasi umano ang mangligaw sa kanilang landas
  • Mananatili anila silang simple at hindi ikukumpara ang sarili sa iba

Ayaw ng online celebrity love team na JaMill ang malunod sa kasikatan, kapangyarihan at pera na siyang maaaring mangligaw sa kanilang landas kaya’t hindi sila nagpapaapekto sa  kasikatang meron sila at mananatiling prayoridad anila ang magpasaya sa mga tagahanga.

Image by JaMill via Instagram

Ang JaMill (nina Jayzam Manabat at Camille Trinidad) ang tinaguriang top Pinoy couple sa YouTube, at sila rin ang pinakamabilis na nakakuha ng millions of subscribers sa buong Southeast Asia na mayroon na ngayong higit 10.7-million subscribers.

Tinatawag nilang mga “mandirigma” ang kanilang mga tagahanga.

Pahayag ni Jayzam sa PEP, “Kaya kami po ni Mareng Camille, enjoy lang po kami, simple lang po kami and kung ano man po ang marating namin, ganun pa rin po kami. Kung ano po kami nagsimula, ganun pa rin po ang galawan namin.”

Saad naman ni Camille, ayaw nilang pag-usapan ang pera at ayaw rin niyang magkomento sa mga unofficial report na nasa US$5.5-million na ang kanilang net worth.

Wika ng dalawa, hindi nila hinahati ang kanilang kinikita kundi magkasama nila itong iniimpok.

Ani Jayzam, malaki ang naging ambag ng kanilang pagiging simple at hindi pagkukumpara ng kanilang sarili sa iba sa pagsikat ng kanilang love team online.

Aniya, “Basta lahat po ng nagsusumikap sa industriya, e, pare-parehas tayong magkita sa taas. Magtulungan tayo at hindi naman po kami nakikipag-kumpetisyon sa kung kanino man.”

Image by JaMill via Instagram

Kamusta naman ang kanilang pag-iibigan? Panghahawakan umano nila na sila pa rin ang magkakasama hanggang dulo.

“Kasi po, iyon lang po ang mapanghahawakan natin sa ngayon, iyong paninindigan sa isa’t-isa. Na paninindigan kita, ipaglalaban kita hanggang sa kinabukasan kahit na wala pang assurance na kami na ba talaga.”

Panoorin ang video na ito ng House Tour ng JaMill, patunay na malayo na nga ang kanilang narating:

Loading…