Transparent public toilets sa Japan, may maglalakas-loob kayang gumamit?

Imahe mula sa The Nippon Foundation
  • Usap-usapan ang kakaibang public toilet sa Japan
  • Ang nasabing public toilet ay may transparent glass wall
  • Ang glass wall ay lumalabo o nagiging opaque kapag naka-lock ang pinto

Kakaiba ang public toilets na ginawa sa dalawang parke sa Shibuya sa Japan. Kita ang loob ng mga iyon dahil ginamitan ng transparent na salamin. May gagamit kaya ng transparent na public toilet sa park na dinarayo ng maraming tao?

Imahe mula sa The Nippon Foundation

Walang dapat ikabahala. Ang transparent glass wall ng palikuran ay nagiging opaque o malabo kapag naka-lock na ang pinto ng mga ito.

Ang naturang public toilet ay ginamitan ng smart glass na kapag may dumadaloy na kuryente ay transparent. Mapuputol ang daloy ng kuryente kapag ini-lock ang pinto kaya magiging opaque ang salamin.

Dalawang isyu tungkol sa mga public toilet ang nasagot ng transparent toilet, ayon sa The Nippon Foundation, ang non-profit organization na naglunsad ng “The Tokyo Toilet” project.

“There are two concerns with public toilets, especially those located in parks. The first is whether it is clean inside, and the second is that no one is secretly waiting inside,” ayon sa non-profit organization.

Sa gabi, ang transparent toilet ay umiilaw na parang isang magandang lampara na nagbibigay ng liwanag sa parke.

Imahe mula sa The Nippon Foundation

Binuksan sa publiko noong August 5, 2020 ang transparent toilets na idinesenyo ng arkitektong si Shiogeru Ban sa Haru-no-Ogawa Community Park at sa Yoyogi Fukamachi Mini Park.

Sa ilalim ng The Tokyo Toilet project, ang The Nippon Foundation at Shibuya City government ay nagtulungan sa pag-renovate ng 17 public toilets sa layuning mabura sa isipan ng publiko ang misconceptions na ang mga pampublikong palikuran ay marumi, madilim, maamoy at nakakatakot.

Labing-anim na mga mahuhusay na arkitekto ang nagtulong-tulong sa pagdidisenyo ng mga public toilets na ang ilan, kabilang ang transparent toilets, ay bukas na sa publiko. Ang ilan ay nakatakdang buksan sa Setyembre at ang iba ay sa 2021 pa.

Screenshot mula sa SCMP video

Loading…