Trillanes may banat sa kawalan ng COVID-19 plan ng gobyerno; DFA Sec. Locsin bumwelta

Imahe mula sa DFA/YouTube
  • Dating Senador Antonio Trillanes IV at DFA Sec. Teddy Locsin nagkaroon ng kaunting sagutan sa Twitter
  • Tinanong ni Trillanes kung may plano ba ang gobyerno tungkol  sa COVID-19
  • Sinagot ni DFA Sec. Locsin si Trillanes at sinabing may plano ang gobyerno na nakasulat sa English

Nagkaroon ng kaunting sagutan sa social media ang dating senador na si Antonio Trillanes, IV at Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, Jr. tungkol sa COVID-19 plan ng pamahalaan.

Imahe mula sa YouTube/DFA

Nagsimula ang iringan ng dalawa sa Twitter dahil sa “rant’ ni Trillanes sa naturang social media platform.

“We demand a plan. Malala na ang pandemic, lugmok na ang ekonomiya. ‘Di na pwede ang once-a-week na bolahan/katangahan na ginagawa n’yo. Bwisit na,” tweet ng dating senador noong August 27, 2020.

Bukod dito, may nauna pang Twitter post si Trillanes noong August 26, 2020.

“Honestly, ask yourself, does Duterte have a plan to address the worsening pandemic? Other countries have already contained the virus and are now focusing on economic recovery. Tayo survival of the fittest pa rin,” aniya na sinundan pa ng hashtag #UnfitToGovern.

Nang mapansin ang tweet ni Trillanes ay agad itong sinagot ni Sec. Locsin. Aniya, may plano ang pamahalaan at nakasulat iyon sa English.

“Sonny. There is a plan but it is in English. What dialect would you like?” tweet ni Sec. Locsin na umani ng mahigit isang libong “likes” at mahigit 400 retweets.

Screenshot ng tweets ni Sec. Locsin at Trillanes

Hindi pinalampas ni Trillanes ang patsusada ni  Sec.Locsin.

“Oh, so your plan is in English. That’s probably the reason why your stupid boss can’t understand it,” balik ni Trillanes sa tweet ng DFA secretary.

Samantala, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health noong Huwebes, August 27, umabot na sa 205,581 ang total COVID-19 cases sa bansa. Ang 91.3% sa mga ito ay mild cases.

Imahe mula sa DOH

Loading…