TV, gamit sa distance learning sa Mexico; 140 million textbooks ipamamahagi sa mga estudyante

Imahe mula sa Prensa Latina
  • Telebisyon ginagamit sa distance learning sa Mexico
  • Nasa 94% ng populasyon ang naaabot ng TV sa Mexico
  • Sa mga remote areas na walang TV ay radio ang gagamitin sa pag-broadcast ng mga aralin

Sinimulan na sa Mexico ang distance learning para sa mga estudyanteng may edad 4 hanggang 18 noong Lunes, August 24, sa pamamagitan ng telebisyon.

Imahe mula sa The Jakarta Post

“Despite the pandemic, the pain, the suffering it has caused, which unfortunately it continues to cause, we are standing,” pahayag ni President Andres Manuel Lopez Obrador nang ideklara niya ang pagsisimula ng bagong school year.

Apat na pribadong TV stations ang ka-partner ng Mexican government sa paghahatid ng mga aralin para sa tinatayang 30 million students, ayon kay Education Minister Esteban Moctezuma Barragan.

Anang education minister, masyado pang mataas ang risk para sa face-to-face lessons dahil sa COVID-19 health crisis sa kanilang bansa kung saan mahigit kalahating milyong kaso na ang naitala, na ikatlo sa pinakamarami sa buong mundo kasunod ng Amerika at Brazil.

“We wanted to return to in-person classes, but it is not possible, nor prudent,” sabi ni Barragan.

Mas pinili ng Mexican government ang paggamit ng TV para sa distance learning dahil naaabot nito ang 94% ng populasyon kumpara sa internet na 70% hanggang 80% lang ang may access. Sa mga remote areas na walang telebisyon ay sa radyo ibo-broadcast ang lessons.

Imahe mula sa Prensa Latina

Ayon kay Barragan, 140 million textbooks ang ipamamahagi sa mga mag-aaral at ang mga leksyon ay nakasalin sa 22 indigenous languages.

Ang broadcasting ng lessons ay mula 7:30 am hanggang 11:00 am. Wala umanong commercial o political ads habang ongoing ang classes.

Ilang mga magulang naman ang nagpahayag ng kanilang pag-aalala na bababa ang kalidad ng edukasyon dahil sa distance learning.

Imahe mula sa The Jakarta Post

Sabi ni  Juan Martin Perez, chairman ng Child Rights Network sa Mexico, ang interaksyon ay kailangan sa pag-aaral. Hindi umano sapat ang simpleng pagbibigay lang ng mga impormasyon.

“Obviously the result is going to be terrible,” aniya.

Loading…