UN, humanitarian partners inilunsad ang P6-Billion COVID-19 response plan sa bansa

Imaeh mula sa UN Philippines
  • UN naglunsad ng COVID-19 response plan sa bansa na aabot sa P6-B
  • Ito na umano ang pinakamalaking response plan simula noong bagyong Yolanda
  • Kabilang din ang Pilipinas sa Global Humanitarian Response Plan na nagkakahalaga ng $10.3-B, ang pinakamalaki sa kasaysayan

Sa pakikipagtulungan ng mga humanitarian partners, inilunsad ng United Nations ang pinakamalaking response plan sa gitna ng umiiral na coronavirus pandemic.

Ito na ang pinakamalaking international response plan sa bansa simula noong Yolanda, ayon sa pahayag ng UN.

Imahe mula sa UN Philippines

Tinatayang aabot sa P6-B ang gagastusin ng UN para matulungan ang 5.4 milyon na mga pinakamahihirap na Pinoy na nakatira sa mahihirap na lugar. Pangunahing layunin ng ahensiya ang pagbibigay ng critical health interventions at multi-sectoral humanitarian assistance sa nabanggit na sektor ng lipunan.

“The pandemic is challenging the capacity of response of any single country in the world. Our role is to make best use of our global knowledge and resources to join Government’s efforts to contribute to the safety and well-being of the Filipino people,” ayon kay Gustavo Gonzalez, UN Resident Coordinator and Humanitarian Coordinator sa bansa.

Pagtutuunan din ng pansin ng programa ang kaligtasan ng mga kababaihan at mga bata.

Imahe mula sa Facebook ng UN-PH

Sa kasalukuyan, aabot na sa 50 non-governmental organizations (NGOs) at pribadong sektor na pawang partner ng UN ang nagbigay na ng kontribusyon habang 23 porsiyento na umano ng response plan ang nakakasa na.

 “As we work together to support government efforts to contain the virus against the demand to restore the economy, the UN and humanitarian partners will continue to seize opportunities to build greater resiliency, equity and inclusivity, in short, to build forward better,” ani Gonzales.

Bukod dito, kabilang din umano ang Pilipinas sa Global Humanitarian Response Plan na nagkakahalaga ng $10.3-B, ang pinakamalaki sa kasaysayan ng ahensiya.

Loading…