UP Diliman nag-aalok ng klase para sa pagsusuri ng K-Dramas

Imahe mula sa Goody Feed
  • Nag-aalok ng klase ang UP-Diliman para sa pagsusuri ng K-dramas
  • Tatlong sikat na K-dramas ang dapat mapanood kabilang na ang Crash Landing On You (CLOY)
  • Mayroon lamang 20 slots na available, ayon sa online registration ng UP

Hindi maipagkakaila na sikat na sikat ang mga Koreanovela o K-drama hindi lamang dito sa Pilipinas kung hindi kahit sa ibang panig ng mundo.

CLOY| Imahe mula sa The Hindu

Patunay nito ay ang mga palabas sa popular na streaming platform na Netflix kung saan madalas na ‘most watched’ ang mga K-drama tulad ng Crash Landing On You (CLOY), Kingdom, The King: Eternal Monarch at It’s Okay To Not be Okay at marami pang iba.

Kamakailan lamang ay nag-aalok ang University of the Philippines – Diliman campus (UP-Diliman) ng klase para sa pagsusuri ng sikat na K-Drama tulad ng Crash Landing On You.

Chicago Typewriter| Imahe mula sa Channel-Korea

Base sa online registration system ng UP, ang nabanggit na klase ay may classe code na 29828 para sa “Special Topics: Analysis of K-drama Series”.

Para makapag-enroll, kailangan lamang ng mga interesadong estudyante ang magkaraon ng internet connection, at video conferencing app tulad ng Google Meet, Messenger, Viber, o  Zoom. Kailangan din ay may gagamiting computer or gadget (desktop, laptop, tablet, cellphone) na may video at audio input/outpu at saka UVLE account.

At siyempre, dapat ay mayroong subscription sa Netflix o iba pang katulad na streaming platform para mapanood ang Crash Landing on You (CLOY), Chicago Typewriter, at Misaeng.

Misaeng| Imahe mula sa Channel-Korea

“You may start watching the three kdrama series enumerated. This course is open to all colleges,” ayon sa nakalagay na remark.

Ang klase ay bukas lamang para sa 20 slots kaya ang sinumang interesado ay dapat magpalista na hangga’t maaga.

Source :

UP, Philstar

Loading…