VP Leni inalala ang asawang si dating DILG Sec. Jesse Robredo

Imahe mula sa Instagram | Leni Robredo
  • Nagbahagi ng throwback photo si Vice President Leni Robredo upang alalahanin ang asawang si Jesse Robredo sa ikawalong anibersaryo ng kaniyang pagpanaw
  • Ani Leni, kahit maraming taon na ang lumipas ay tila hindi nawala ang asawa
  • Ang kanilang mga anak naman na sina Aika at Tricia ay nagbahagi rin ng throwback photos sa kanilang Instagram accounts

Inalala ni Vice President Leni Robredo ang namayapang asawang si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo sa ikawalong anibersaryo ng pagpanaw nito.

Imahe mula sa Instagram | Leni Robredo

“Eight years. And it feels like he never left us,” sabi ni VP Leni sa kaniyang post sa Instagram kalakip ang larawan kasama ang asawa.

Inalala rin ng kaniyang mga anak na sina Aika at Tricia ang ama.

Sabi ng panganay na si Aika, hindi niya na mabilang kung ilang beses na niyang ikinukuwento kung ano ang naganap noong Agosto 12, 2012. “To this day, the most difficult thing I ever had to do was to look at Patty in the eye and tell her, calmly while trying to keep myself together, that Papa’s plane was missing.”

Si Tricia naman, sinabing nagiging mas sentimental at reflective sila tuwing buwan ng Agosto.

Imahe mula sa Instagram | Leni Robredo

“As I reflect on life after 2012, I also think about the kids who lost their parents all of a sudden these past few months,” saad ni Tricia sa caption ng post.

“I used to roll my eyes whenever someone would say they knew how I felt. So even with common denominators, I don’t want to claim to know how you feel. I don’t exactly know when it gets better either. It still stings on graduations, on Father’s Days and on Sundays at church when you’re seated next to a complete family.”

Binawian ng buhay si Jesse sa isang plane crash sa Masbate noong Agosto 18, 2012.

Sakay siya ng Piper Seneca mula Cebu International Airport patungong Naga. Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng engine malfunction at hindi agad nakabalik ang sinasakyan nila, dahilan upang pumanaw sina Jesse, ang piloto na si Capt. Jessup Bahinting, at co-pilot niyang si Kshitiz Chand.

Loading…