Wakanda Forever! Isang pagpupugay kay ‘Black Panther’

  • Sino nga ba si Chadwick Boseman?
  • Siya ang gumanap na “Black Panther” sa mga Marvel Cinematic Universe films
  • Nitong Agosto 28. 2020 ay tuluyan na siyang nagapi sa tahimik at pribadong pakikipagbuno niya sa kaniyang karamdaman

“Wakanda forever!”

Iyan ang sigaw ng mga tagahanga ni “Black Panther” star Chadwick Boseman nitong Sabado, Agosto 28, 2020 matapos tuluyang sumuko ang kaniyang katawan at kalusugan sa pakikipagbuno sa kaniyang sakit na colon cancer, na nagsimula pa noong 2016. Makikita ang anunsyo sa kaniyang sariling Instagram account.

Imahe mula sa Instagram account ni Chadwick Boseman

“It is with immeasurable grief that we confirm the passing of Chadwick Boseman,” ayon sa IG post.

?”A true fighter, Chadwick persevered through it all, and brought you many of the films you have come to love so much. From Marshall to Da 5 Bloods, August Wilson’s Ma Rainey’s Black Bottom and several more, all were filmed during and between countless surgeries and chemotherapy.”
?
Dagdag pa, “It was the honor of his career to bring King T’Challa to life in Black Panther. ?He died in his home, with his wife and family by his side. The family thanks you for your love and prayers, and asks that you continue to respect their privacy during this difficult time.”

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens.

“It was a blessing that we got to witness your talents. Thank you!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Literally woke up and this was the first thing I saw on the gram. My heart sank, I am in absolute shock… rest on warrior… our very own super hero…”

Public Domain Image

Ang American actor na si Chadwick Aaron Boseman ay nakilala sa kaniyang pagganap sa mga real-life historical figures, tulad ni Jackie Robinson sa “42 ” (2013), James Brown sa “Get on Up” (2014), at Thurgood Marshall sa “Marshall” (2017).

Subalit ang pinakatumatak sa lahat ay ang pagganap niya bilang superhero na si Black Panther sa Marvel Cinematic Universe films, tulad ng “Captain America: Civil War” (2016), “Black Panther” (2018), “Avengers: Infinity War” (2018), at Avengers: Endgame” (2019).

Sa katunayan, nanalo siya ng NAACP Image Award at Screen Actors Guild Award sa kaniyang pagganap bilang Black Panther.

Pagpupugay, Black Panther. Wakanda forever!

Loading…